Chapter 9

2190 Words

SA tabi ni Janna umupo si Aster kaya dumikit siya kay Jin na nasa gilid ng bintana ng kotse. Sakto lang naman silang tatlo pero hindi siya makagalaw dahil sa laki ng katawan ni Jin. Malikot pa ang kaibigan niya kaya halos magpalit na sila ng mukha ni Jin. “Okay na ba itong resume ko, friend? Tingnan mo,” ani ni Aster at inilabas sa plastic files case ang resume. Tiningnan naman niya ito. Kompleto naman ang papeles nito ayon sa hinihingi ni Larzen. “Oo, ayos na ito. Mabuti nakompleto mo,” aniya. “Inihanda ko talaga ‘to dahil gusto ko na kaagad makapagtrabaho.” “Kaso office staff lang daw ang bakante, eh. Nakuha ko na ang slot sa HR,” sabi niya. “Ayos lang ‘yon, no! Ang mahalaga ay pumayag si Sir Jin.” “Ay teka, naayos mo na ba ang dadalhin mo sa Florida?” pagkuwan ay tanong niya rito

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD