NAIILANG kumain si Janna dahil ang seryoso ng mga kasama niya. Marami siyang gusto sabihin pero ipinagliban niya ang iba. Pero since naroon na si Larzen, naisip niya na banggitin ang tungkol sa gusto ni Aster na magtrabaho rin sa kumpanya ni Jin. “Uh, Jin, Larzen, may hihingiin sana akong pabor,” sabi niya na siyang bumasag sa katahimikan. Sinipat lang siya ni Jin. “Ano ‘yon?” tanong naman ni Larzen. “Puwede ba na magtrabaho rin ang kaibigan ko sa kumpanya ni Jin? Pareho kami ng tinapos, at willing naman siyang mag-work kahit anong posisyon basta magkasama kami,” sabi niya. “Si Aster ba?” untag ni Jin. Binalingan niya ito ng tingin. “Yes, at matalino siya. Malaki ang pakinabang ng kumpanya sa kaniya,” masiglang sabi niya, pero naroon din ang kaba na baka hindi papayag si Jin. Tuming