NAPASARAP ang tambay nina Janna at Aster sa indoor swimming pool kaya doon na niya pinahanda ang tanghalian nila tutal hindi rin naman uuwi si Jin. Merong glass round table roon sa may gilid ng pool. Puwede lang nilang buksan ang glass door na makapapasok ang hangin mula sa backyard. “Parang ang sarap tumira rito, no? Kaso parang ang lungkot,” ani ni Aster nang magkasalo na sila sa lunch. Natanaw niya ang malalagong punung-kahoy sa labas na hinahangin ang mayayabong na dahon. She could feel Aster’s feelings towards the place. Kahit noong unang apak niya sa lupaing iyon ay ramdam niya ang lungkot. “Oo nga, ganyan din ang pakiramdam ko noong unang araw ko rito,” aniya. “Teka, wala na ba talagang magulang si Jin?” Naalala niya ang kuwento ni Nanay Lowela. Sabay raw na namatay ang parent