PAGDATING sa mansiyon ay kaagad silang pumasok sa kabahayan. Hindi mapakali ang mga mata ni Aster habang iniikot ng tingin ang paligid ng malawak na sala. Ganoon din naman si Janna noong unang apak niya sa bahay ni Jin. Nakamamangha nga naman ang laki ng bahay at gara ng kagamitan. Hanggang second floor lang ito pero malawak. Sa second floor ay mayroong apat na kuwarto, merong living room, study room. Hindi pa nga niya nalilibot ang buong bahay. “Wow! Ang bongga naman dito!” manghang komento ni Aster. Tumitig ito sa kaniya. “At ang sosyal ng new look mo, friend. Ganda-ganda naman,” kinikilig na sabi nito at hinawakan pa ang kinulot niyang buhok. Kung kailan naroon na sila ay saka lang napansin ni Aster ang new look niya. “Kailangan ko rin ng new look, no,” aniya. “Oo nga, bihira ka nag