Chapter 5

2282 Words
NA-DISTRACT si Jin dahil sa ingay ng paglangoy ni Janna. Dapat ay tatawagan niya si Monroe kaso ang tagal nitong sagutin kaya hindi niya itinuloy. He needs some updates regarding the ongoing investigation of his enemy. Also, Monroe assisted him with his marriage will be held in Florida. Inoobserbahan pa rin niya si Janna. Madali siyang mairita sa babaeng madrama at maingay. Pero hindi naman niya ito masisi dahil sa bigat ng pinagdadaanan nito. Hindi naman big deal sa kaniya kung ano ang piliin nitong trabaho, as long as she will follow the rules. Ginugupo na siya ng antok. Pagtayo niya ay siyang ahon naman ni Janna sa tubig at dumaan sa hagdan. Nasentro rito ang spotlight kaya kitang-kita ang alindog nito. He’s not easily attracted to women, even how sexy and beautiful they are, but Janna had a natural beauty that caught his attention. Hindi naman ito kasing sexy ng mga classy woman na nakasasalamuha niya sa mga gala o business related party. Janna was simple yet stunning in her own way. Ito ang tipo ng babae na hindi maisasantabi sa mga formal party, and he could say that he would be proud to introduce her as his wife. Matangkad din naman ito, balingkininan like a usual figure of a fashion models. Hindi naman ito sobrang payat, hindi rin malusog. For him, sakto lang. May katangian lang ito na mabilis siyang mairita katulad ng pagiging simpatika at may kakulitan. Maiksi ang pasensiya niya sa ganoong babae, pero baka magbabago rin ito. Titiyakin din niya na hindi magtatagal ng taon ang pagiging mag-asawa nila. “Okay lang bang magtagal ako rito?” tanong nito nang mapansin siyang nakatingin dito. “No problem. Walang nagbabawal sa ‘yo,” aniya saka humakbang patungo sa mansiyon. “Nako, teka! Nakalimutan ko ang towel. Okay lang kayang mglakad akong basa papasok ng bahay?” pahabol nito. “You can use your shirt to dry your body. Nagpapahinga na ang kawaksi, walang maglalampaso ng sahig,” aniya at patuloy sa paglalakad. “Sungit naman nito,” mahinang sabi nito pero dinig niya dahil sa katahimikan. Hindi na niya ito pinansin. Saktong pagpasok niya ng bahay ay tumunog ang kaniyang cellphone. Si Monroe ang tumatawag. Kaagad niya itong sinagot. “What happened to your investigation?” kaagad ay tanong niya rito. “It’s still negative. Lereo’s men were not working outside their territory. Perhaps they were busy doing some underground operations,” batid nito. “Let’s expect that. What about the wedding preparation?” “It’s all settled, even the venue.” “Good. I’ll call you one day before our flight,” sabi niya. “Okay, sir.” Siya na ang pumutol ng linya. Dumiretso na siya sa kaniyang kuwarto. Hindi pa niya naisasara ang pinto nang may bumulahaw na ingay kasabay ng malalakas na yabag sa hagdan. Napalabas siya at sumilip sa hagdanan. Umaakyat si Janna habang may kausap sa cellphone. “Basta, sabihin mo lang kung saan mo gustong sunduin bukas para mabilis kang makita,” sabi nito, ang lakas ng tinig na nag-e-echo sa buong bahay. Hindi siya sanay sa maingay kaya napakasensitibo niya. Ang tinis pa ng boses ng babaeng ito. Bakit kasi doon pa niya ito pinalipat sa second floor at malapit pa sa kaniyang kuwarto? Dingding lang ang pagitan ng mga kuwarto nila, at minsan ay magugulat na lang siya sa biglang kalabog sa dingding. Mabuti makapal ang semento at kapag nakasara ang pinto at bintana ay hindi marinig ang ingay sa labas, puwera kung sobrang lakas. Nang mapansin siya ni Janna ay humina ang boses nito, pabulong na kung magsalita sa cellphone na idinikit nito sa bibig. Suot nitong muli ang hinubad na damit. Nang dumaan ito sa harapan niya ay pangiti-ngiti pero mamaya ay biglang nadulas. Nahagip nito ang kanang braso niya kaya nahatak siya nito. He quickly clutched her wrist with his left arm to prevent her from falling to the floor and rattled his hand around her waist. Mabigat kasi ito. Nagmula rin naman sa tumutulo nitong buhok ang basa sa sahig. Tumigil pa kasi upang ngitian siya nang pilit. He didn’t need her smile, but this woman was an attention seeker. Dumikit pa ang dibdib nito sa katawan niya at nahawa ng basa ang kaniyang damit. Hindi naman niya ito mabitawan kaagad dahil hindi pa nito naaayos ang balanse. Kumapit pa ang isang kamay nito na may hawak na cellphone sa tagiliran niya. He pulled her up, but Janna pushed herself to raise her body, and suddenly, their faces met, sobrang lapit na halos maghalikan na sila. Sa tangos ng ilong niya ay ito ang humarang upang hindi maglapat ang mga bibig nila. Matangos din naman ang ilong ni Janna, payat na cute. Nasundot ng tungki ng ilong niya ang ilong nitong malamig. “Janna?” tinig ng babae mula sa cellphone ng dalaga. Tuluyan niya itong hinatak patayo nang maayos saka binitawan. Ngunit kung kailan naghiwalay na sila ay saka naman tila may sariling buhay ang kaniyang puso. His heart skip a beat. Iniisip niya na epekto lang iyon ng pagkagulat dahil sa nangyari kasi feeling niya ay karaniwang kaba lang ito. “Sorry, kukuha ako ng basahan para punasan ang basa sa sahig. Magbabanlaw lang ako,” anito habang palayo sa kaniya. He didn’t talk. Tumuloy na lamang siya sa kaniyang silid at naghubad ng kamesita dahil bahagyang nabasa. Pumasok na rin siya ng banyo at tuloy nag-hot bath. Ikatlong ligo na niya iyon sa araw na iyon. Paglabas niya ng banyo ay biglang may kumatok sa pinto. Binalot lang niya ng tuwalya ang ibabang katawan niya. Iniisip niya na si Nanay Lowela lang iyon at magdadala ng mga nalabhang damit niya. It’s okay to face her half-naked. But when he opened the door, it was a young and fresh lady, his soon-to-be wife Janna, wearing her thin pink t-shirt and gray pajamas. Sa halip na sa mukha nito siya unang tumingin ay napako ang mga mata niya sa visible nitong itim na bra. He can’t say that she had flat chest, meron namang katamtamang laki at bakat dahil obvious na manipis ang foam ng bra nito. Ayaw rin naman niya sa babaeng sobrang malaki ang dibdib, tipong kahit anong isuot ay bakat talaga. But wait, why he needs to study Janna’s body? As if namang magiging asawa niya ito for life. SAGLIT na nakalimutan ni Janna ang kaniyang pakay bakit siya kumatok sa pinto ng kuwarto ni Jin. Paano ba kasi hindi siya madi-distract? Bumungad sa kaniya ang super hunk body nito. Ang baba pa ng tuwalya nito at kulang na lang ay kumaway na sa kaniya ang ilang hibla ng buhok nito sa baba. In fairness, makinis ang dibdib at puson ni Jin na may perpektong hubog na muscles, na halatang hindi binatak ng sobrang pagbubuhat ng mabigat. He has six pack abs, katamtamang laki, pero ang sarap titigan lalo na ang dibdib nitong maumbok, obvious na matigas, at bumagay sa laki ng muscles nito sa braso at lapad ng likod at balikat. Naisip din niya si Reyven na hindi maikakailang maganda rin ang hubog ng katawan. Pero iba si Jin, parang ang expensive ng s*x appeal. And she can’t imagine herself having a hunk, multi-billionaire soon-to-be husband. Though their marriage will be temporary, she could act like Jin’s real wife. Ang suwerte niya siguro kung sakaling makatotohanang magiging mag-asawa sila for life. Pero hindi naman niya pinangarap na makapag-asawa talaga ng bilyonaryo na guwapo. For her, Reyven was the perfect guy for her, sakto lang, gumanda ang buhay dahil sa sariling sikap. Kaso hindi na siya maaring mag-assume na magkakaayos pa sila ni Reyven. Itinatak niya sa kaniyang kukoti na once a cheater, always a cheater. Unless ipakita ni Reyven na kaya nitong magbago at maging loyal sa kaniya. Hindi siya magdadalawang-isip na balikan ito. Ibinalik niya ang isip sa katawan ni Jin, este, sa tunay na pakay niya rito. Hindi naman siya nito sinita o kinalabit, basta nakatitig lang din ito sa kaniya. Pansin niya na panay rin ang sipat nito sa dibdib niya. Natakpan tuloy niya ito ng palad. Visible pala ang kaniyang bra dahil sa nipis ng kaniyang damit. “Uh, itatanong ko lang kung anong oras ka aalis bukas,” aniya nang maibalik ang focus sa mukha ni Jin. “After lunch ako aalis,” tugon nito. “Mabuti naman. Kasi nakausap ko na ang kaibigan kong si Aster. Bukas ng umaga siya pupunta rito, mga alas-nuwebe. Puwede ba?” “I said, susunduin siya.” “Oo naman. Sinabi ko na iyon sa kaniya. Nabanggit na rin niya ang lugar kung saan siya dapat sunduin. Pero dapat kasama ako baka hindi siya makilala ng driver.” “Kung sasama ka, kailangan maraming bodyguard.” Napangiwi siya. “Kailangan ba talagang may bodyguard ako kasi saan magpunta?” angal niya. “I hired fifty bodyguards to secure you, and each of them, I paid twenty thousand a month. Masasayang ang ibabayad ko kung hindi nila gagawin ang trabaho nila nang tama,” anito, pumalatak na. Nawindang siya. Gaano ba siya kahalaga at kailangang gastusan nito ang siguredad niya? “Hay! Sige na nga. Ang dami mo nang sinabi.” “Matulog ka na. Ikaw lang ang nag-ingay rito sa bahay,” mamaya ay sabi nito. She cleared her throat. Gusto pa sana niyang kumontra pero biglang tumalikod si Jin at pinagsarhan siya ng pinto. Padabog na bumalik na lamang siya sa kaniyang kuwarto. Hindi na siya lumabas upang punasan ang basang sahig. Matutuyo rin naman iyon. Nagbabad pa siya sa social media habang nakaluklok sa kama. Wala siyang blower sa buhok kaya hinintay niya itong matuyo nang kusa. Ka-chat pa niya si Aster dahil ang dami nitong tanong. Naudlot kasi ang usapan nila dahil sa kamuntik niyang madulas. KINABUKASAN pagkatapos ng almusal ay kinulit na niya si Jin na sunduin na si Aster. Excited ang kabigan niya na makilala ang fiance niya kaya tulog pa siya ay tawag na ito nang tawag. Nasa hardin si Jin at nag-aalmusal ng pancake at hot chocolate. Late itong nagising kaya nauna siyang kumain. May binabasa itong diyaryo habang nakaluklok sa silya katapat ng round table. Ang bagal nitong kumain. Tumayo siya nang tuwid sa harapan nito na parang bata na may hihinging pabor. Nagtaas ng tingin sa kaniya si Jin, naka-dikuwatro pa ang mga paa. “Puwede bang sunduin na namin si Aster?” tanong niya, malapad ang ngiti. “Ang aga pa. Nag-aalmusal pa lang ang ibang bodyguards,” anito, ibinalik ang tingin sa diyaryo. “Alas-otso na kaya. Nakita kong nag-almusal ang stay-in na bodyguards kanina. Ang driver ay naglilinis na ng kotse mo.” Sinipat siya nitong muli pero nagsalubong na ang mga kilay. “Sige, pero hindi kayo maaring magtagal,” anito. “Oo naman. Pinapunta ko na si Aster sa lugar kung saan siya maghihintay para pagdating namin, isasakay na lang siya.” “Okay. Alis na kayo.” Pagkasabi nito niyon ay patakbo na siyang pumasok ng bahay at kinuha ang kaniyang shoulder bag. Cellphone lang naman ang laman niyon at ibang cosmetics. Tumalima naman ang mga bodyguard na naka-assign para bantayan siya. Ang puting SUV ang sinakyan nila pero may isa pang sasakyan na nakasunod kung saan ang ibang bodyguards. Mabuti pumayag si Jin na mabisita siya ni Aster, kung hindi ay baka madalas iinit ang ulo niya dahil sa pagkainip. Hindi pa nila napag-uusapan ang tungkol sa ibang bagay katulad ng gusto niya na makapasyal naman sa ibang lugar. Mukhang mahihirapan talaga siyang mag-adjust dahil nakasanayan niya na palaging gumagala lalo kung wala ang papa niya. Hindi naman mahigpit sa kaniya ang papa niya basta huwag lang siyang makitulog sa bahay ng hindi niya talaga close unlike Aster. Buhol-buhol na rin ang traffic kaya natagalan silang matunton ang kinaroroonan ni Aster. Text na ito nang text sa kaniya. Sa labas ng mall lang naman ito naghitay na malapit sa subdivision kung saan ang bahay ni Jin sa Makati. Pinapunta na niya sa gilid ng kalsada si Aster katapat ng mall dahil dadaan lang sila. Nang makita ito ay inutusan niya ang driver na ihinto ang sasakyan sa gilid ng kalsada katapat ni Aster. Binuksan kaagad niya ang bintana. “Friend!” tawag niya rito. “Uy friend!” tili rin nito nang makita siya. Binuksan naman ng bodyguard ang pinto saka pinapasok si Aster. Kinikilig pa ito nang makaupo sa tabi niya. Nasa gitnang upuan sila ng kotse. Maya-maya ang yakapan nila. “Grabe! Ilang beses akong pumunta sa bahay ninyo pero walang tao at may kandado ang gate. Naisip ko tuloy baka sumama ka sa papa mo. My gulay!” ani ni Aster. “Biglaan lang din kasi at kailangan kong umalis ng bahay,” aniya. “Ano ba kasi ang nangyari? Nasaan ba si Tito Vic?” “Mamaya na natin ‘yan pag-usapan.” “At saka, hindi ba matanda na ang boss ng papa mo? Don’t tell me na iyon ang pakakasalan mo. Huwag ka ngang magbiro, Janna.” Tinapik niya ito sa kanang balikat. “Ano ka ba? Patay na ang boss ni Papa, iyong tatay ni Jin.” “Wait, hindi ko talaga ma-gets. Paanong magpapakasal ka sa bagong boss ng papa mo? Anong kasunduan?” “Hay! Mamaya na nga sa bahay. Hindi ako komportable rito. Gusto ka ring makausap ni Jin.” “Nako, ah. Curious talaga ako sa Jin na ‘yan. Baka mamaya niloloko ka lang niyon. Hindi ka pa talaga nadadala kay Reyven.” “Tama na nga. Shut up ka na muna.” Tumahimik naman si Aster pero panay ang pisil sa kamay niya. Ramdam niya ang excitement nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD