Chapter 4

2618 Words
ISANG linggo pa bago ang flight nina Jin at Janna papuntang Florida kung saan sila magpapakasal. Binigyan siya nito ng pagkakataon na maasikaso ang ibang papeles niya roon. Pero sa bawat lakad niya ay may nakabuntot na bodyguards. Dahil nagpalit siya ng sim card, hindi na siya matatawagan ni Reyven, at nagpalit din siya ng user name sa lahat ng social media accounts niya. Mga importanteng contact number lang ang nai-save niya pero si Aster ay nahuli pa rin siya sa social media. Hindi pa aware ang kaibigan niya sa nangyayari, lalo na ang pagpapakasal niya. Safety first, saka na siya magpapaliwanag sa kaibigan, unless kung uusigin siya nito. She was not sure if Jin would allow Aster to visit her in his house. Pero imposibleng pati iyon ay ipagbawal nito. Ayaw niyang masakal. Gusto rin niyang kumilos nang normal at malaya, magtrabaho na angkop sa kursong tinapos niya. Sandamakmak na ang mensahe ni Aster sa social media inbox niya pero binabasa lang niya, walang sagot. Pero nang ayaw pa rin siya nitong tantanan ay napilitan siyang sagutin ito at sinabi kung nasaan siya. Maasahan naman si Aster, at galit ito kay Reyven kaya hindi nito sasabihin ang nangyari sa kaniya. Lulan na siya ng van nang tawagan niya si Aster. Hindi niya ito matiis. Aster was the only person she can trust at the moment. “Gosh! Ano ba ang nangyayari sa ‘yo, Janna? Bakit bigla kang nagpalit ng number at user name? Dahil ba ito kay Reyven?” anito, kaagad na pumalatak sa kabilang linya. Nakaluklok siya sa gitnang upuan ng van, may bodyguards sa likuran at harapan, may nakabuntot pang isang kotse na bodyguards din. Panay ang buga niya ng malalalim na hininga. “Sorry, kailangan kong gawin ito,” aniya. “Ang alin? Ang umalis sa bahay ninyo at kung saan titira? At least inform me, ‘di ba? Nasaan ka na ba?” May iritasyon sa tinig nito. Hindi na siya magpaliguy-ligoy pa, tutal ay malalaman din nito ang totoo. “I’m getting married,” walang gatol niyang bunyag. “What? Are you kidding me, Janna?” gilalas nitong tanong. “I’m serous. Magpapakasal na ako, Aster, at hindi ko kailangan ng approval ng kahit na sino.” “Wait, enlighten me please. Kanin ka mapapakasal? Kailan?” Bumuntong-hininga siya. She’s not sure if it’s okay to tell Aster about Jin. Pero ito lang ang subok na mapagkakatiwalaan niya pagdating sa kontrobersiyal na bagay. “Magpapakasal ako sa boss ni Papa, para sa kaligtasan ko. Hindi makauuwi si Papa at may banta sa buhay ko. Kailangan kong magpalit ng identity or status.” Biglang natawa si Aster. “Hindi ka pa naman siguro nasisiraan ng bait, ano, Janna?” anito. Wala na siyang pakialam sa reaksiyon nito. “Kung ayaw mong maniwala, it’s okay. Basta lahat ng sinabi ko ay totoo. Sige, bye.” Pinutol na niya ang linya, sakto nang papasok na sila sa gate ng mansiyon ni Jin. Alas-kuwatro na ng hapon kaya inaasahan niya na nasa bahay na si Jin, pero wala pa ito pagpasok niya ayon kay Nanay Lowela. Dumiretso siya sa kaniyang kuwarto at nagbihis. Sa maghapon niyang lakad ay naayos naman ang kaniyang kailangang papeles. Napagod siya sa biyahe at kaagad na humilata sa kama. Ginugupo na siya ng antok at napapapikit nang marinig niya ang boses ni Jin na nakasigaw mula sa labas. Bumalikwas siya at sumilip sa awang ng pinto na hindi pala niya naisara. Kaya pala naririnig niya ang boses nito. Kung sarado naman ay ugong lang ang maririnig mula sa labas. Namataan niya na paakyat na ng hagdan si Jin. May nakabuntot na lalaking naka-amerikana rito. Nakasimangot si Jin at dumadaldal. Hindi siya sanay na maingay ito, usually, he’s cold, malimit magsalita lalo kung hindi ito interesado sa paksa o kausap. “Where’s Janna?” mamaya ay tanong nito sa ibang alalay. Walang sumagot sa mga lalaki. “I said, where’s Janna?!” paasik na nitong tanong. “N-nasa kuwarto na niya, sir,” sagot naman ni Lomeng, na sumuplot sa likuran ni Jin. “Ang tagal n’yong sumagot!” inis na sabi ni Jin saka iniwan ang mga kausap. Nang mapansing patungo si Jin sa kaniyang silid ay dagli niyang isinara ang pinto at sumampa sa kama. Nagkumot siya at nagkunwaring tulog. Mamaya ay magkasunod na katok sa pinto ang kaniyang narinig. “Janna!” nakasigaw na tawag ni Jin. Nairita siya. Bakit pati siya ay pagbuntunan nito ng init ng ulo? Nang hindi tumigil ang katok ay bumangon na siya at tinungo ang pintuan. Binuksan niya ang pinto. Matapang niyang hinarap ang binata na wari pasan ang langit at lupa, nagsasalpukan ang katamtamang kapal na mga kilay. “Nagpapahinga ako, bakit ba?” mataray niyang sabi. “I sent you a message, but you didn’t dare to reply to me nor read it,” anito sa matigas na tinig. Saka niya naalala na may pumasok na mensahe sa cellphone niya mula sa unregistered number. Hindi niya iyon binuksan sa akalang mula kay Reyven. Napasintido siya nang maisip na nagpalit na pala siya ng numero, at naibigay niya iyon kay Jin. “Sorry, hindi ko nabuksan ang inbox ko kanina, busy kasi at nagmamadali ako para makauwi kaagad,” alibi niya. “Naghintay ako sa office, hoping that you will arrive before I finish my meeting.” Mariing kumunot ang noo niya. “At bakit ako pupunta ng office mo?” usisa niya. “Gusto mo magtrabaho, hindi ba?” Umaliwalas ang mukha niya. “You mean, bibigyan mo ako ng trabaho?” Napangiti na siya. “Ayaw kong sabihin mo na naman na boring dito at kinukulong kita, but you had limitations at work. You will work as my office staff or assistant.” Napalis ang ngiti niya. “Ayaw ko sa office. Psychology graduate ako. Baka puwedeng maging HR assistant.” “Mae-expose ka in public, sa applicant.” “So, bawal ‘yon?” Lumabi si Jin, and it made him look seductive. Ang pula ng mga labi nito. Ibinalik niya ang tingin sa mga mata nitong diretso ang titig sa kaniyang mukha. “We will discuss the limitations and rules after marriage. I will ask my secretary about your desired position in my company if it’s possible right now since we don’t have job vacancies yet. Bukas mo malalaman. Sige na, magpahinga ka na,” anito saka siya iniwan. Kumibit-balikat siya. Isinara na lamang ulit niya ang pinto. Nawala na ang kaniyang antok. Text nang text si Aster kay Janna at kinukulit siya tungkol sa sinabi niya ritong kasal. Alam niya na hindi siya nito tatantanan at hindi rin ito basta maniniwala kung hindi niya ipapakita ang katibayan. Gusto siya nitong puntahan. Kinagabihan nang hapunan ay naglakas-loob siyang kausapin si Jin tungkol kay Aster. May ilang minuto na silang kumakain pero tila may dumaang anghel sa katahimikan. Solo nila ang mahabang lamesa at nakaupo sa magkabilang dulo. Pinagsisilbihan lang sila ni Lomeng ng pagkain. “Jin,” tawag niya sa atensiyon nito. Sinipat naman siya nito. “Hm?” tugon lang nito. “Uh, puwede bang papuntahin ko rito ang kaibigan ko bukas?” tanong niya, naiilang na naman. Kapag ganoong hihingi siya ng pabor ay nawawala ang tapang niya. “Sinong kaibigan?” “Si Aster, siguro naman kilala mo siya.” “I got some important details about her, but we need to make sure she will come here safe. The enemy will search about those people connected to you.” Napangiwi siya. Sobrang territorial nito pagdating sa security at privacy. “Eh paano pala pupunta rito si Aster?” “Sabihin mo, magbigay siya ng exact location kung saan siya susunduin ng driver at bodyguard.” Nanlaki ang mga mata niya. “Pati si Aster ay kailangan bantayan?” Namangha siya. “That’s part of security measure, to secure all our connections.” “Grabe naman,” angal niya pero wala rin naman siyang magawa. Si Jin ang higit na nakaaalam kung paano iwasan ang masasamang tao na iyon. “Sige, tatawagan ko mamaya si Aster,” sabi na lamang niya. “Kailangan ko ring makausap ang kaibigan mo para maging aware siya sa situation mo,” anito pagkuwan. Bigla siyang kinabahan. “Pero ako muna ang kakausap kay Aster bago ikaw, baka bigla siyang matakot.” “No problem.” Sinipat nito ang plato niya na puno pa ng pagkain. “Just eat, lalamig na ang food mo,” anito, sinita na siya. Matabang siyang ngumiti saka ginalaw na ang kaniyang pagkain. Hindi siya pamilyar sa mga putahe na hinahain at naninibago siya sa lasa. She’s not into uncommon foreign delicacies, but she loves Italian foods, those usual. Pansin niya na hind mahilig sa carbohydrates si Jin. Mahilig ito sa seafood, poultry meats, at mga gulay. Gusto rin naman niya ng seafood maliban sa may mga shells like clams and mussels. Sa gulay, lahat gusto niya maliban sa madudulas katulad ng okra at saluyot. Native veggies are much better, but she can’t see those common local vegetables since she was in Jin’s house. Hindi nga niya kilala ang ibang gulay, lalo ang mga kakaibang dahon. Nagluluto rin naman siya pero karaniwang pinoy foods lang katulad ng adobo, sinigang, pinakbet, at ibang paborito ng papa niya. Simula noong nagdalaga siya ay sinanay na siya ng kaniyang ama na magluto dahil wala naman silang katuwang sa bahay. Naunang natapos kumain si Jin at kaagad na umalis ng hapag. Hindi niya alam kung ano pa ang ginagawa nito at minsan ay tumatambay sa poolside cottage. Ilang araw na siya roon pero ni magbabad ng paa sa swimming pool ay hindi niya nagawa. Nagmukmok lang kasi siya noong isang araw sa kuwarto. Hindi siya sanay na pinagsisilbihan ng katulong. Kahit sinaway na siya ni Lomeng ay nagpumilit siyang maghugas ng kobyertos. “Hindi mo na dapat ginagawa ‘yan, ma’am. Magagalit si Sir Jin kapag nakitang naghuhugas ka ng plato,” ani ni Lomeng, balisa na. Panay ang sipat nito sa pintuan ng kusina. “Hayaan mo siya. Wala na nga akong ambag dito, wala pa akong gagawing trabaho.” “Eh hindi ka naman narito para magtrabaho. Magiging asawa ka ni Sir Jin, natural na pagsilbihan ka rin namin.” “Nako! Huwag n’yo po akong ituring na madam, Ate. Nagmula naman ako sa simpleng pamilya, na itinaguyod ng single father kong ama.” “E kahit na. Magiging Mrs. Monreal ka na, at lahat ay ituturing kang boss. Nagbabago talaga ang buhay kapag nag-aasawa.” Natigilan siya nang maisip ang usaping pag-aasawa. Although it’s her goal after her studies, it’s never come to her mind that she would get married as early as she didn’t expect. Napag-usapan nila ni Reyven noon ang tungkol sa kasal, noong madalas pa silang nagkikita, ngunit simula noong panay alis ng binata, tila nakalimot na. Hindi niya maikakaila na kahit nakipaghiwalay na siya kay Reyven ay naroon pa rin ang pagmamahal na binuo niya ng ilang taon. Never siyang nagkagusto sa ibang lalaki, kay Reyven lang. Nabuhay nang muli ang kirot sa kaniyang puso. Itinuloy lang niya ang paghuhugas ng kobyertos. Nagtataka siya bakit biglang tumahimik na si Lomeng. “Ikaw na lang po ang magtuyo ng mga naanlawan nang plato, Ate,” sabi niya. Paglingon niya sa kaniyang likuran ay wala na si Lomeng. Namataan niya itong kausap si Jin sa bukana ng pintuan. Tila pinapagalitan ito ng binata. “Inawat ko naman po siya, sir, kaso matigas ang ulo. Ipipilit talaga niya ang gusto,” sumbong ng babae. Napalunok si Janna nang hagipin siya ng mahayap na titig ni Jin. “Leave that and come with me,” anito sa matigas na tinig saka lumisan. Nilapitan naman siya ni Lomeng at inagaw ang kaniyang ginagawa. Nagpunas na lamang siya ng kamay saka sumunod kay Jin. Lumabas ito ng glass door patungong poolside cottage. Sumunod pa rin siya. Napasinghap siya nang salubungin siya ng malamig na hangin. Ang tahimik doon at maliwanag dahil sa nakapalibot na ilaw. Nilapitan niya si Jin na prenteng nakaupo sa bench sa loob ng open cottage. “Sit,” sabi nito saka itinuro ang katapat nitong bench. Umupo naman siya at diretsong tumitig sa mukha ng binata. Para itong robot, hindi man lang magpakita ng kahit anong emosyon o ekspresyon. “Bakit?” diretsong tanong niya. “Ayaw kong isipin mo na por que pinatira kita rito nang libre ay kailangan mo nang magtrabaho. Again, you are my responsibility, Janna. I will allow you to work as you want, but not as a maid or a dishwasher. You can work for my company in any position that fits you. That’s not a big deal for me,” seryosong wika nito. She chuckled. “Hindi ko naman iniisip iyon, eh. Ang sa akin lang, at least may magawa naman ako rito, hindi kain at tulog lang. Hindi ako sanay sa ganoon.” “I got your point, Janna. Although we will get married as one of my promises to your father, I want to apply those rules after marriage, which are the usual things that we need to consider.” Napamata siya. “Akala ko ba kasal lang? You mean, kailangan talaga nating gampanan ang pagiging mag-asawa?” “That’s not mandatory. As I said, we need to consider those legal matters like privacy and respect.” “Sige, since iyan ang pinu-point out mo, baka puwede rin na gawin ko iyong role ko bilang asawa mo,” hindi napag-isipang sabi niya. “Like what?” untag nito. Matamang tumitig siya rito. Napaisip pa siya ng example. “Like cooking your food, preparing your things before going to work,” sabi niya. “What about sleeping with me on one bed?” He teased her but seriously. Bigla siyang kinilabutan. Iginiit niya na nagbiro lang si Jin, pero seryoso naman ito. Idinaan na lang niya sa tawa ang kaniyang pagkailang. “Ibang usapan na ‘yon, no. At saka sa papel lang tayo mag-asawa. Puwedeng hindi ko ipalandakan na asawa kita sa ibang tao.” “What do you mean by that?” Nangunot ang noo nito. “I mean, puwede naman siguro na iyong malalapit lang sa atin ang makaaalam na ikinasal tayo. Kasi mahirap magpalit-palit ng status sa isip ng ibang tao. Gusto ko, manatili akong single sa pagkakaalam ng ibang tao.” “Kung iyan ang gusto mo, walang problema, pero huwag kang magpapaligaw sa ibang lalaki hanggat kasal pa tayo. That was against the law, a cheating.” Natigagal siya. Hindi niya inaasahan ang sinabi nito. “Paano kung may magustuhan akong lalaki?” aniya. “That’s not an issue as long as you didn’t tolerate your feelings.” She grinned. “That’s torture.” “That’s life, Janna. Marrying someone was not like just a commitment, but an immense responsibility and sacrifice.” “Okay, fine. Basta walang magiging aberya sa divorce once maayos na ang lahat,” aniya. Tumango lang si Jin. Abala na ito sa pagtipa sa cellphone nito. Natutukso siyang lumusong sa malinaw na tubig ng swimming pool. “Uhm, puwede ba akong mag-swimming?” hindi natimping paalam niya kay Jin. “Go ahead,” sabi lang nito, without eyeing her. Excited na tumayo siya at tumakbo patungong swimming pool. Hinubad niya ang kaniyang denim short pants at dilaw na kamesita. Gabi naman. Wala naman sigurong manbubuso sa kaniya. Wala siyang visible na peklat sa mga hita at binti kaya confident siyang maligo na ternong itim na underwear lang ang suot. Mukhang wala namang pakialam sa kaniya si Jin. Baka nga hindi ito madaling maakit ng babae at makuhang laitin pa nito ang payat niyang mga hita.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD