HIRAP pa ring makahanap ng trabaho si Janna dahil lahat ng pinasahan niya ng resume ay kailangan ng may at least one year experience sa posisyong gusto niyang pasukan. Ginamit pa rin niya ang married status niya dahil updated na lahat ng database niya. May wais pang employer na tinawagan muna ang previous job reference niya at natuklasang employed pa siya sa JBM Corporation. Hindi siya tinanggap. Inis na inis siyang umuwi ng bahay noong Martes ng hapon. Wala siyang napala sa maghapong paghahanap ng trabaho. Malaki na ang nagastos nila sa ospital dahil sa follow up check-up at may mga gamot na kailangang bilhin. Mabuti tapos na ang physical therapy ng papa niya at maayos na itong nakalalakad na walang saklay. Nasa kanya pa rin ang credit card na ipinangalan sa kaniya ni Jin. Natatakot siy