Chapter 96

2329 Words

SINAMAHAN ni Janna ang papa niya sa ospital para sa therapy nito. Maghapon sila roon dahil may check-up din siya sa OB-GYN. May pagkakataon kasi na nagbi-bleed siya. Okay naman ang matris niya pero payo ng doktor na ipahinga ito ng ilang buwan. Ginabi na sila sa ospital at doon na dumiretso si Aster. Wala na siyang oras magluto kaya sa restaurant na sila naghapunan. “Anong balita, Aster?” tanong niya sa kaibigan nang magkasalo na sila sa pagkain. “Balita sa hinihingi mong certificate?” untag nito. “Oo. Okay na ba?” Bumuga ng hangin si Aster. “Sorry, Jin refused your resignation letter, at hindi pumayag na bigyan ka ng certificate. Ang reason naman ng secretary, wala ka pa raw six months sa company. Iyon kasi ang need para mabigyan ka ng certificate.” Biglang uminit ang bunbunan niya.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD