INALOK ni Zadkiel ng trabaho si Janna pero tumanggi siya. Ayaw niyang gatungan ang problema nila ni Jin. Galit ito kay Zadkiel kaya mas mainam na sa ibang kompanya siya magtrabaho. Pero plano niya na kausapin din si Jin upang mapag-usapan nila ang tungkol sa divorce. Abala na siya sa pag-aasikaso ng papeles niya upang maka-apply ng trabaho. Pinasabi na niya kay Aster na hihingi siya ng employment certificate at kay Larzen niya ipaabot. “Hindi na nagre-report sa office si Larzen, Janna,” sabi ni Aster nang kararating nito sa bahay nila noong gabi ng Sabado. “Ano? Bakit?” napapatayong tanong niya. Naroon sila sa sala. “Nag-leave siya. Hindi ko alam kung ano ang nangyari pero feeling ko, hindi na kinaya ni Larzen ang katigasan ng paninindigan ni Jin.” Napabuga siya ng hangin. “Eh si Jin