SA bahay nila Janna naghapunan si Aster. Nauna nang kumain ang papa niya dahil kailangang uminom ng gamot. Naiwan silang dalawa sa hapag. “Okay ka lang ba?” nag-aalalang tanong nito. Wala siyang ganang kumain pero kailangan dahil nangangayayat na siya. Tumango siya. Ginagap ni Aster ang kamay niya. “Friend, kung hindi ka masaya sa desisyon mo, huwag mong kunsintihin ang sarili mo,” anito. “Hindi ko alam kung paano ito malalagpasan, Aster. Habang tumatagal lalo akong nahihirapan.” “Kasi hindi pa tapos ang problema. You can hide, but you can’t escape. You love Jin, and I know you can’t pretend that you’re okay without him.” Matamang tumitig siya sa kaibigan. “Magiging okay rin ako pero hindi madalian.” “Bakit hindi mo kausapin si Jin at linawin ang nangyayari sa inyo?” “Ako na lang b