GINISING si Janna ng malakas na tugtog. Napabalikwas siya ng upo nang mamalayang madilim na sa paligid. Nangangapang kinuha niya ang kaniyang cellphone na nasa kaniyang uluhan at pinailaw. “Gosh! Gabi na pala!” bulalas niya. Natarantang hinanap niya ang switch ng ilaw saka binuksan. “Sabing iidlip lang ako, eh. Kainis ka, self!” Kinagalitan niya ang sarili. Napatakbo siya sa banyo nang wari puputok na ang pantog niya. Guminhawa ang pakiramdam niya matapos umihi. Naghilamos na rin siya at nag-freshen up. Alas-siyete na ng gabi ang oras sa kaniyang cellphone. Nang maalala na maaring nakauwi na si Jin, napatakbo siya sa labas. Pagdating sa workplace ni Jin ay si Larzen ang kaniyang naabutan na nakaupo sa table niya at tinatatakan ang mga nai-print niyang files. “Good evening sleepyhead!”