PAGDATING sa Pilipinas ay natulog kaagad si Janna pagkatapos ng tanghalian. Umuwi naman si Aster dala ang mga bagahe. Isinama niya sa kuwarto si Barley kaya ito rin ang nanggising sa kaniya kinagabihan. Ang sakit ng ulo niya. Naparami kasi ang inom niya ng wine na medyo matapang na pinatikim sa kaniya ni Jin. Iyon ang bagong brand ng wine nito sa Florida. Masarap ang wine kahit may kagat ang pait, kaya nakailang baso rin siya bago lumapag ang eroplano. Bumangon na siya dahil ayaw tantanan ni Barley kakadila ang kaniyang pisngi. Kaagad siyang pumasok ng banyo at naligo. Inaasahan niya na wala pa si Jin sa mansiyon dahil sinamahan nito si Mr. Dewey sa kumpanya. Babalik din kasi ng Florida ang ginoo kinabukasan pero sa commercial flight na eroplano sasakay. Humihilab na ang kaniyang sikmura