NAGKUWENTO si Janna sa papa niya pero hindi niya sinabi ang totoong dahilan bakit nagkalabuan na naman sila ni Jin. She doesn’t want to ruin Jin’s image to her father. And his pieces of advice helped her a lot to keep going and help her faith tighter. Biyernes ng umaga ay hindi na dumaan si Janna sa JBM office dahil kompleto naman ang kailangan niya. Dumiretso na siya sa airport at doon na sila nagkita ni Martin. Apat na bodyguard ang pinasama sa kaniya ni Jin, wala si Gino pero kilala niya ang isa na mahusay na agent at active police. Hiwalay ang ticket ng mga ito. Nasa boarding area na sila at hinihintay ang eroplano. Maliit na maleta lang naman ang dala niya, good for one week. Ini-expect na kasi niya na mag-e-extend sila. “Are you okay?” tanong ni Martin na katabi niya sa bench. T