DIRETSO sa kusina ng mansiyon si Janna pagdating nila. Hindi sila nagkibuan ni Jin hanggang makarating. Siguro aware rin ito kung ano ang nagawa bakit nagkagulatan sila. Maaring siya lang din ang nakaramdam na lumapat ang kamay nito sa dibdib niya. Sinsitibo siya pagdating sa kaniyang katawan. As if namang magnasa sa kaniya si Jin. Pero mahalaga talaga sa kaniya ang privacy. Naisip niya, kaya siguro naisip ni Reyven na mambabae ay dahil sa mga iyon ay nakakahipo ito ng boobs, o baka nga naka-score na. Paano naman kasi hanggang halik lang ang naibibigay niya kay Reyven. Still, she’s not like those woman who allow guys to touch her body kahit pa boyfriend niya. Pinaghiwalay niya ang itim na ubas sa iba dahil ito ang pinakagusto niya. Minsan lang siya nakatitikim niyon dahil mahal. Minsan