NAKATULUGAN ni Janna ang pag-iyak at nagising siya dahil sa kamay na umaalog sa kaniyang balikat. Nang gumalaw siya ay napadaing siya dahil sa pamamanhid ng kanang kamay niya na naipit sa kaniyang puson. Nakadapa pala siya. Napatingala siya sa lalaking nakatayo sa uluhan niya. Si Jin pala. “Ouch!” daing niya habang pilit inaangat ang kamay. Tinulungan pa siya ni Jin na makahiga. Akmang hahawakan nito ang namanhid niyang kamay ngunit tumili siya. Dahan-dahan niyang iginalaw ang kamay upang maalis ang pamamanhid. “Massage the affected area,” sabi nito. “I know, huwag kang makialam,” iritableng sabi niya. Umupo siya at sumandal sa headrest. “Hindi magandang matulog na nakadapa, tapos gutom ka pa,” anito. Sinipat lang niya ito dahil lalong kumirot ang braso niya. Marahan niya itong minas