NAABUTAN pa ni Janna si Larzen sa opisina ni Jin. Napag-usapan din ng mga ito ang tungkol sa offer ni Martin na business tutorial program. Mukhang nakuha talaga ni Martin ang loob ni Jin, napapayag kaagad ito. Kaysa naman mag-hire pa sila ng ibang professional business instructor, mainam na iyong may kooperasyon din sa business nila at alam ang nature ng negosyo. Jin shows his willingness to embrace the business full of interest and love, unlike before when he was just no choice and still longing to continue his genuine desire. Gustong suportahan ni Janna ang asawa sa lahat ng plano nito. Mas masarap nga namang magtarabaho na may kasamang pagmamahal. Inamin ni Jin na hindi nito tinapos ang business class nito dahil naiinip. “As in, one year ka lang dumalo sa business class mo?” nawindan