KINAKABAHAN si Janna nang makaalis na si Martin. Nakaupo siya sa tapat ng mesa ng pagkain nang pumasok si Jin, seryoso at matalim ang tingin sa kaniya. Lumuklok ito sa tapat niya. “What do you think of Martin?” tanong nito. “Ha? My observation?” untag niya. “Yes.” Diretso itong tumitig sa kaniya, hindi naman galit. “Um, okay naman siya, very professional.” “That’s right, and he’s a genius businessman. You will admire him if you read his profile.” “Nakamamangha nga kasi mukhang bata pa naman siya at ang dami nang alam sa business.” “He’s three years older than me.” “Talaga? Wow! And he’s obviously friendly.” Nilagyan na niya ng pagkain ang plato ni Jin. “At mukhang na-amaze siya sa ‘yo,” anito. “Ano? Paano mo naman nasabi ‘yan?” amuse niyang untag. “Lapitin ka ng lalaking may hal