SINULIT nina Janna at Jin ang pamamasyal sa magagandang lugar sa Batangas. Nag-check-in pa sila sa magandang resort malapit sa Taal volcano pero overnight lang. Hindi na nila nakasama sina Aster at Larzen dahil nauna nang umuwi ang mga ito. Pagbalik nila sa bahay ng kaniyang ama ay pinag-usapan nila ang kanilang magiging routine. Samantalang nagpasya si Vic na doon na titira sa Batangas, at uuwi na lang ng Maynila kung kailangan. “You also need protection, Pa,” sabi ni Jin sa kaniyang ama. Naghahapunan na sila noong Lunes ng gabi. Ang usapan nila ni Jin ay kinabukasan ng madaling araw sila uuwi para makapag-report ito sa opisina. “Kaya ko na ang sarili ko, Jin,” ani ni Vic. Nababahala rin si Janna sa kaligtasan ng kaniyang ama lalo’t nakatatanggap siya ng threat mula sa estrangherong