GUSTONG sorpresahin ni Janna si Aster sa kaarawan nito kaya bago sila nagtungong Batangas ay bumili na siya ng isang set na alahas, gold. Itatago niya sa loob ng box ng alahas ang vibrator nito. And she’s glad that Jin supported her. He also bought a dress for Aster as a gift. Sabado ng hapon ay umalis na sila ng Maynila. Hindi na umuwi ang papa niya kaya sa Batangas na sila magkita-kita. Dala naman ni Larzen ang kotse nito kaya doon sumakay si Aster. Uuwi rin ng Linggo ng hapon sina Aster at Larzen dahil may trabaho pa kinabukasan niyon. Napagkadunduan naman nila ni Jin na Lunes ng hapon sila uuwi upang masulit ang bakasyon. Kotse niya ang ginamit nila ni Jin at ito ang nagmaneho. May sasakyan din ang bodyguards nila na nakabuntot. Inabutan pa sila ng matinding traffic kaya alas-otso ng