SINAMAHAN ulit ni Janna ang kaniyang ama sa Batangas upang bayaran na ang balanse sa lupa. Kotse niya ang ginamit nila at salitan silang mag-ama sa pagmamaneho. Aayusin umano muna nito ang lumang bahay bago sila magbakasyon doon. Sabado ng hapon ang balak nilang mamasyal kasama si Jin. Inimbita rin pala ni Jin si Larzen, pumayag na ito. At siyempre, kasama ang best friend niya. Sa Linggo ang kaarawan ni Aster kaya napabili ulit siya ng vibrator na ireregalo rito. Nagamit kasi nila ni Jin ang unang binili niya. Tuwang-tuwa ang kaibigan ng papa niya nang maibigay kaagad nila ang balanse sa lupa. May binibenta rin itong kalabaw kaya binili na rin ng kaniyang ama. At dahil gusto ng papa niya maayos kaagad ang lumang bahay, nagpaiwan ito roon. Dumidilim na rin nang bumiyahe pauwi si Janna.