BUMILI ng bagong kalan si Janna dahil hindi na automatic ang lumang ginagamit nila. Kailangan pa iyong sindihan upang umapoy. Binawasan na niya ang perang binigay ni Jin upang makabili ng bagong mga appliances. Hindi siya sigurado kung kailan sila uuwi sa bahay ni Jin, pero gusto pa rin niya na titira sila roon sa kanilang bahay, o kaya’y may schedule. Muli niyang sinilip si Jin nang alas-sais ng hapon. Nakatulog na ito. Malamig naman ang air cooler na binili niya, hindi maingay. Bumili rin siya ng mas malaking electric fan para sa kuwarto. Bumalik siya sa kusina at sinimulang magluto ng hapunan. Nasa salas ang papa niya at nanonood ng balita. Natapos na nitong ayusin ang poso na nasira ang handle. Nag-crave ito sa ginataang tilapia na merong puso ng saging kaya iyon ang kaniyang niluton