PUMASOK pa rin sa opisina si Jin kahit tatlong oras lang ang tulog niya. Bukod sa hirap talaga siyang matulog na walang air-con, inabangan niya ang update ng kaniyang agent na sinuyod ang location ng na-trace nilang caller ni Janna. It’s negative. His agent found an empty warehouse in Kawit Cavite where the tracker brought them. Dahil nanghihina, pina-cancel niya ang outdoor appointment niya. Matapos pirmahan ang ibang papeles ay humiga siya sa sofa sa may extension. Gusto sana niyang isama si Janna pero tumanggi dahil sasamahan daw ang papa nito upang mamili ng gamit sa farm. He’s not sure if he can stay longer in Janna’s house without air-con. But he has to spend more time with her in simple life to prove to himself that he can change. He was not doing it because Janna wanted this, but