TALAGANG sineryoso ni Jin ang adjustment para lang makasabay sa lifestyle ni Janna. Kahit sa pagkain ay nakisama ito. Itong papa naman niya ay gustong hamunin si Jin. Pinag-ihaw nito ng talong at tilapia ang asawa niya. Tortang talong at inihaw na tilapia ang hapunan nila. Umuwi na sina Zadkiel at Aster kaya tahimik na rin sa bahay. Mayamaya ang silip ni Janna sa asawa dahil hirap itong baliktarin ang isda. Natawa siya nang mapanasing may uling na rin ang pisngi ni Jin. Mabuti na lang itim na t-shirt ang suot nito, ganoon din ang short pants. Pinalipat ng papa niya ang grill sa lilim ng puno ng sampalok kaya mas presko roon. Nang maluto ang sinaing niya ay pinuntahan niya si Jin. Nagdala na siya ng malaking plato na paglagyan ng nalutong inihaw nito. “Okay ka lang ba riyan?” tanong niya