NAPATILI si Janna nang bigla'y may humila sa laylayan ng damit niya sa likod. Marahas siyang pumihit sa likuran. Nanlalaki ang mga matang tumitig siya kay Jin. Hindi man lang niya namalayan ang pagpasok nito. “Bakit ka nanghihila ng damit?” tanong niya, nabigyan ng malisya ang ginawa nito. “Nakikita ko na ang singit mo,” seryosong sabi nito saka siya nilagpasan. Lumuklok ito sa harap ng mesa nito. Yumuko pa siya at kinapa kung talagang makikita ang kaniyang singit, hindi naman masyado. “Nambubuso ka lang, eh,” aniya sa asawa. “Bakit ko naman gagawin ‘yon? Nahahawakan ko naman ‘yan kung kailan ko gusto,” anito sa matigas na tinig. Umangat ang sulok ng labi niya. She enjoyed cleaning the desks until Jin distracted her. Seryoso lang silang nag-usap bago ito umalis, at para sa kaniya, bi