LUNCH time ang napagkasunduan nina Reyven at Janna na magkikita, at siyempre, kasama si Jin. Sinabi na niya iyon kay Reyven na hindi lang siya ang makakausap nito. Wala namang naging tugon ang lalaki. Hindi sinita ni Jin ang suot niyang damit, light pink off-the-shoulder dress, pink two inches sandals. They came early to the restaurant where Jin had reservations for the VIP dining room. Nauna sila kay Reyven, at pinaabangan nito sa bagong bodyguards ang ka-meeting nila. Naghahalo ang kaba at excitement niya habang hinihintay si Reyven. Nag-order na ng pagkain si Jin, at nauna na sila sa round table na merong dark red table and chairs clothes. Panay ang sipat ni Jin sa relo nito. “Your ex doesn’t have one word. I said, before lunch, he must be there,” reklamo ni Jin. “He’s on the way. N