“WHO’S this man?” Marcial asked to Rodolfo, his assistant. Dumalaw siya sa bagong headquarter nila sa Subic Bay, where he left Vic. Pinalipat nila ito roon upang mas madaling maasikaso dahil busy na ang kaniyang ama sa Florida. Patungo na siya sa kulungan nito nang harangin siya ni Rodolfo at binigyan ng litrato ng isang lalaki. “He’s Reyven Ecija, Janna’s boyfriend, a seaman,” tugon ni Rodolfo. Mariing kumunot ang kaniyang noo. Tinitigan niyang maigi ang litrato ng lalaki. “A seaman,” usal niya. “Yes, sir, and we got some information about him. Pero mukhang nagkakalabuan na sila ni Janna.” “Dalhin n’yo sa akin ang lalaking iyan. He’s a big help,” utos niya sa lalaki saka nagpatuloy sa paglalakad. Pagdating sa tapat ng piitan ni Vic ay kaagad niyang kinalampag ang bakal na rehas. The