HINDI na makapag-focus si Janna sa trabaho dahil sa excitement. Alam niyang busy si Jin, halos hindi na sila nagkikita kaya hindi na siya naniniwala na matuturuan pa siya nitong mag-drive. Isang linggo ring tahimik sila lalo’t nailipat na siya sa HR department. Masaya siya sa trabaho, pero hindi maitatago ang lungkot sa tuwing uuwi siya ng bahay. Hindi pa rin siya maka-get over sa huling pag-uusap nila noon ni Reyven. Nasaktan siya ng katotohanan, at hindi maiwasang magtampo sa ama dahil sa sinabi niyon kay Reyven. “Patawarin mo ako, Reyven, kung mabibigyan ako ng pagkakataong maging malaya ulit, pipiliin kita,” sabi niya noon kay Reyven. “Huwag na, Janna. It’s no sense anymore. Hindi rin ako matatanggap ng papa mo. Kaya huwag ka nang mag-aksaya ng panahon. Lilipas din ang sakit. Pero s