NAUNANG natulog si Janna kay Jin pero huli pa rin siyang nagising. Hindi man lang siya nito ginising. Alas-diyes ng umaga na siyang bumangon dahil wari binugbog ang kaniyang katawan. Humirit pa kasi si Jin ng third round nang madaling araw. Nag-iwan ng sulat si Jin sa mesa at sinabing after lunch na siya mag-report sa opisina dahil may lakad ito ng umaga. Nakaalis na pala ito. Lumipat na lamang siya sa kaniyang kuwarto at naligo. Sumigla siya nang makaligo. Humihilab ang kaniyang sikmura kaya dumiretso siya sa kusina. Busy ang mag-inang kawaksi kaya siya na lamang ang kumuha ng pagkain at hindi na pinainit ang sabaw. Habang kumakain ay panay ang sipat niya sa kaniyang cellphone na maya-mayang tumutunog. Maraming mensahe na pumapasok sa inbox niya sa social media. Nang tingnan niya ito a