NAGPATURO si Janna kay Larzen kung paano laruin ang games na may income. Pinasahan siya nito ng application. Libangan din daw nito iyon. Hindi siya mahilig sa mga online games, pero nagustuhan niya ang nai-share ni Larzen dahil parang naghahalaman lang siya. Pinapasok niya sa loob ng opisina ni Larzen ang dalawang bodyguards para makita ng mga ito na wala siyang ginagawang kalokohan. Nakaupo lang naman sa sofa ang mga ito. Si Larzen ay busy na sa harap ng computer. Siya naman ay nasa gawing kaliwa nito nakaupo at busy sa cellphone. Nalibang na siya sa paglalaro at hindi namalayan ang oras. Tumawag si Jin pero hindi niya sinagot. Mamaya ay tumunog ang door bell. Ang isang bodyguard ang tumayo at binuksan ang pinto. She doesn’t care who’s coming in. “Janna,” tawag sa kaniya ni Larzen. “