ISANG araw lang naiwan sa bahay si Janna ay nanghihina na siya sa pagkainip. Mas gusto pa niyang mag-stay sa farm kaso umuwi rin sila Linggo ng gabi. Nahilo siya paggising kaya hindi siya pinayagan ni Jin na pumasok sa trabaho. Maghapon siyang nakakulong ng kuwarto, walang ganang kumain at nanood lang ng movie. Hindi niya maintindihan ang nanyayari sa kaniya. Ginagamit niya ang digital blood pressure monitor ni Jin at talagang mababa pa rin ang BP niya. Jin said that he had already set an appointment with a doctor, and she didn’t have a choice but to consult the doctor. Alas-siyete na ng gabi pero hindi pa umuuwi si Jin. Humihilab na ang sikmura niya. Mamaya ay may kumatok sa pinto kasunod ng boses ni Lomeng. “Janna! Luto na ang sinigang na baka!” sigaw nito. Iyon ang ulam na gusto niy