KINABUKASAN ay alas-diyes ng umaga na nagising si Janna. Inabot kasi siya ng gabi sa pagtatanim ng halaman sa hardin. Maliwanag ang buwan kaya napasarap ang tambay niya sa labas. Ginising lang siya ng magkasunod na katok sa pinto. Nagtatawag na si Lomeng. Lulugu-lugong lumapit siya sa pintuan at binuksan. “Bakit po?” walang sigla niyang tanong sa babae. “Uh, pinapagising po kayo ni Sir Larzen. Kararating niya dala ang isang basket ng ubas. At saka tumawag daw kasi si Sir Jin, at hinanap ka,” anito. Humugot siya ng malalim na hininga. “Sige, lalabas na ako pero maghihilamos muna,” aniya. Tumango lang si Lomeng saka lumisan. Pumasok naman siya sa banyo, naghilamos. Pakatapos ay nagsipilyo na rin siya. Napaaga ang pagpunta roon ni Larzen, inaasahan niya na hapon pa ito. Pagbaba niya sa g