SA paglipas ng mga araw, nasasanay na rin si Janna sa araw-araw na pakikipaglaban niya sa morning sickness. Hindi naman siya nabigo na makuha ang gusto niyang kalinga ni Jin. Lahat ng gusto niyang kainin ay naibibigay nito. Normal na rin ang BP niya at blood cells count. Biyernes ay hindi na siya isinama ni Jin sa opisina. Pinagpahinga siya nito dahil kinabukasan ng madaling araw ang flight nila papuntang LA. And while staying in the house, she cooks a lot of food to sustain her cravings. Puro tikim lang naman siya. Ang ending, mga kawaksi at bodyguards ang kumain ng mga niluto niya. Pinadalhan din niya ng lunch si Jin sa opisina upang hindi na ito bumili. Hinahanap-hanap niya ang sinampalukang manok ni Mang Calvin kaya nagpabili siya ng native na manok. Mabuti merong puno ng sampalok sa