Chapter 79

2435 Words

NAWALA ang excitement ni Janna sa pagpunta ng LA. Apat na oras lang ang naitulog niya kakaisip sa kaniyang ama. Alas-kuwatro ng madaling araw ay bumiyahe na sila ni Jin papuntang airport kung saan ang private plane nito. Kasama nila ang part-time nurse niya na si Marionne. Hindi na siya nakatulog pagdating sa eroplano dahil nahihilo na naman siya. Nagkulong lang siya sa banyo at pinakiramdaman ang kaniyang sarili. Busy pa si Jin sa pagmamando sa staff ng eroplano bago ito lilipad. Nang gumalaw ang eroplano ay lalo siyang nahilo. Naka-ilang duwal rin siya at saka lang kumalma ang sikmura niya nang maayos na ang lipad ng eroplano. Paglabas niya ng banyo ay naroon na si Jin sa kuwarto. Nagpapalit ito ng damit. “Sabi ko matulog ka ulit,” anito. “How can I sleep? Nahilo na naman ako at nagsu

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD