Chapter 80

2300 Words

NAGMUKMOK lang sa kuwarto si Janna sa ilang oras na lumipas. Naroon pa rin ang inis niya kay Jin. Talagang hindi siya nito kinausap o lambingin. Hindi talaga ganoong tipo ng lalaki si Jin. Pag-ayaw rito, hindi mapilit. Doon siya lalong naiinis. Ang kitchen staff lang ang naghahatid ng pagkain niya at minsan ay binibisita siya ng nurse upang suriin ang BP niya. Pero kinagabihan ay hirap siyang matulog. Hindi niya namalayan na pumasok doon si Jin, siguro noong hapong nakatulog siya. Nakita na lang niya ang hinubad nitong damit sa banyo. Nag-hot bath na rin siya dahil kahit malamig doon ay nanlalagkit siya. Hindi niya alam kung anong oras na pero madilim na sa labas. Pagkatapos maligo ay lumabas siya ng kuwarto. Tahimik na at wala nang taong pagala-gala. Nagpapahinga na rin ang ibang cabin

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD