NAGULAT si Janna paglabas niya ng banyo ay nakaupo na si Jin sa gilid ng kaniyang kama. Naghuhubad ito ng coat. Hindi pala niya nai-lock ang pinto kaya nakapasok ito. Sinuyod pa siya nito ng tingin na tanging tuwalya ang sapin sa katawan. “Dinner is ready,” he said. “Ah, mamaya na ako kakain. Hindi pa naman ako nagugutom.” Lumapit siya sa closet at naghagilap ng maisusuot. “May bisita tayo.” Tumayo ito. “Sino?” kunwari hindi pa niya alam na naroon si Zadkiel. “Si Zadkiel. He wants to meet you in person.” “Bakit?” Hinarap niya ang asawa. “Late na niyang nalaman na ikinasal na ako, noong nabanggit ng dad niya.” “Kaya ba siya nagpunta rito ay para lang kilalanin ako?” “No, we also had business transaction with me. Hindi niya kasi ako naabutan sa office kanina at kailangan maayos ang