HINDI pa rin mawaglit sa isip ni Janna ang lalaking nabunggo niya sa elevator. May pakiramdam siya na nakita na niya iyon noon. “Um, Jin?” basag niya sa katahimikan habang kumakain sila ni Jin. “Hm?” Sinipat siya nito. “May ka-meeting ka ba kanina?” tanong niya rito. “Yes, before lunch.” Mukhang tama siya. Ang lalaking iyon nga ang ka-meeting ni Jin. “Lalaki ba?” usisa niya. “Yes. He’s one of my investors’ sons who also works as a marketing consultant.” “Oh, I see.” “Bakit?” tumitig ito sa kaniya. “Baka siya ‘yong nasalubong ko sa elevator.” “Describe his appearance please.” “Uh, matangkad, maputi, clean cut ang buhok, matikas, malaki rin ang katawan. Halos pareho kayo ng shape ng mukha, maging ayos ng beard. At pamilyar siya sa akin.” “What?” “Bata pa ba ‘yong nakausap mo?”