Chapter 33

2211 Words

NAALIMPUNGATAN si Jin nang malaglag ang kamay ni Janna sa kaniyang mukha. Nakatulog pala siya at nakaunan sa mga hita ni Janna. Nang tingnan niya ito ay nakapikit na at nakayukyok ang ulo. Umayos siya ng upo at si Janna naman ang pinaunan sa kaniyang mga hita. Sumampa sa upuan ang mga paa nito at namaluktot, idiin pa ang ulo sa hita niya. Feeling ata nito ay unan ang hinihigaan nito. Ang likot talaga nitong matulog kahit sa masikip na lugar. “Where are we, Salazar?” tanong niya sa driver. “Nasa Subic Bay na, sir, on the way to seaport,” tugon nito. “May malapit bang hotel or resort dito?” “Meron po, sa unahan ng seaport.” “Sige, tumuloy muna tayo sa seaport.” “Yes, sir.” Ilang segundo lang ay papasok na sila sa seaport. May contact na siyang tao roon na in charge sa mga cargo ship.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD