TUWANG-TUWA si Janna dahil hindi na siya pina-report ni Jin sa office at mag-celebrate na lang daw siya ng birthday ng papa niya. Half-day lang naman ito sa office at pupunta sa Subic upang doon kunin ang kotse niya. Pagkatapos ipagdasal ang kaniyang ama para sa kaligtasan nito at maayos na pangangatawan, pinamigay na niya ang cupcakes sa bodyguards. Nagluto rin ng spaghetti at lumpiang shanghai si Nanay Lowela. Konting mocha cake lang ang kinain niya at nagtira siya para kay Jin. Ang nilantakan niya ang ang binili nitong maliit na cake. Pagkatapos ng tanghalian ay tumambay siya sa garden at binisita ang kaniyang pananim. Inayos na rin niya ang mga bulaklak na inilipat niya sa lupa. Kasama niya roon si Barley at naglalaro. Tunog nang tunog ang kaniyang cellphone na iniwan niya sa lamesa