NAUNANG nakauwi ng bahay si Janna pero hindi muna siya kumain dahil kati-text lang ni Jin at sinabing hintayin siya. Pero alas-otso na ng gabi. Pinagpahinga na niya ang mga kawaksi at siya na ang bahalang mag-asikaso sa pagkain nilang mag-asawa. Nasa salas siya nakaupo sa couch nang tumawag si Aster. Kaagad niya itong sinagot. “Nakauwi ka na ba, friend?” tanong nito. “Oo, kanina pa.” “Hay, ako rin. May chika pala ako.” “Ano ‘yon?” Isinampa niya sa sofa ang kaniyang mga paa. Maigsing bulaklaking pants lang ang suot niya. “Kainis lang. Narinig ko ang usapan ng ibang staff kanina tungkol sa ‘yo. May nakapansin daw na palagi kang pumapasok sa office ni Boss. Siguro iyong mga sa workplace kumakain ‘yon na mga tsismosa.” “Ano’ng sabi?” “Nagdududa raw sila bakit pumapasok ka sa office ni