NAGULAT si Janna nang biglang tumunog ang kaniyang cellphone. Ang layo ng narating ng isip niya habang nag-aayos ng papeles. Dinampot niya ang cellphone at dagling sinagot ang tawag. “Yes?” aniya. “It’s lunch break. Still busy?” Jin’s said in a baritone voice. Even his voice sounds sensual to her. It’s odd. Sa ilang oras na nakaupo siya roon sa opisina ay walang ibang laman ang kaniyang isip kundi ang nangyari sa kanila ni Jin sa opisina nito. She could say na iba ito sa mga naunang pagtatalik nila. It’s more exciting, and she could feel the desire and passion. “Uh, oo nga pala. Nagpabili ka na ba ng food?” sabi niya. “Yes. Andrew bought it for us. I’m waiting.” “Okay. I’m on my way.” “Hm.” Ibinaba na niya ang cellphone saka binitbit ang kaniyang bag. Mabuti naka-break na ang ibang