TULOG pa si Jin nang umalis ng bahay si Janna. Kahit alas-nuwebe na ng umaga ang pasok niya, inagahan pa rin niya dahil gusto niyang tumambay sa labas ng workplace niya. Lalong lumala ang sitwasyon. Hindi na siya pinapansin ng ibang HR staff, lalo na si Colleen na kung titigan siya ay nanunuot ang inis. She ignore them. In the end, no one cares about her real feelings. Ang gusto lang naman niya ay magkaroon ng komportableng trabaho. Mas okay na iyong wala siyang kasama sa loob ng workplace niya. Allowed naman siyang gumamit ng phone. Hindi muna siya pumasok sa HR office dahil gusto niyang makausap si Aster. Tumambay siya sa lobby ng fifth floor. Mamaya ay dumating si Aster kasabay ng workmate nito. Nakaluklok lang siya sa couch nang lapitan siya ng kaibigan. Kaagad siya nitong tinabihan