NAGBABASA ng chat ni Aster si Janna habang kumakain. Nag-send ito sa kaniya ng picture ni Reyven na nakaratay sa ospital. Naibsan ang pag-aalala niya nang makitang hindi naman napuruhan ng bugbog si Reyven. May pilay raw ito sa kaliwang binti. Binitawan niya ang kaniyang cellphone nang lumapit si Jin. May suot na itong pantalon at polo. Matalim ang tingin nito sa kaniya nang makaupo. “Bakit?” ‘takang tanong niya. “You are worried about your ex, aren’t you?” he said in a husky voice. She cleared her throat. “I am. Hindi ko maiwasan, Jin. Hindi ibang tao si Reyven at may pinagsamahan kami.” “I know, and that’s the reason as usual. I heard that in the movie.” Bumuga siya ng hangin. “I don’t want to argue about Reyven again. He’s a different story.” “I’m not arguing, Janna. Gusto ko lan