HILUNG-HILO na si Janna pero walang pagkain na ibinigay sa kaniya si Marcial. Nakaposas pa rin ang mga kamay niya na konektado sa headrest ng kama. Sinabi na niya rito na buntis siya at kailangan niyang kumain at uminom. Simula nang dumating siya roon sa bahay nito ay hindi pa niya nakikita ang papa niya. Kumislot siya nang bumukas ang pinto. Pumasok si Marcial dala ang naka-tray na pagkain. “Pasensiya na, ang bagal magluto ng cook namin,” nakangiting sabi nito. Kung mukha lang nito ang pagbabasehan niya, masasabi niya na mabuti itong tao. Pero hindi siya malilinlang ng maganda nitong mukha dahil nasa loob nito ang demonyo. Umurong siya at sumiksik sa sulok ng kama sa uluan. Inilapag nito sa tabi niya ang pagkain. “Pakawalan mo ako,” samo niya rito. “Uh, not now. We will wait for my