HEAVEN TOOK a deep breath. Hindi niya alam kung ano ang plano ni Vincent. Pagdating nito kanina ay kaagad siyang pinaghanda. "Saan mo ako dadalhin?" Tanong ni Heaven. "Sa lugar na hindi ka mahahanap ni RV." Sagot ni Vincent at hinila si Heaven palabas ng bahay. Nagpahila na lang si Heaven. Wala rin lang mangyayari kung magpumiglas siya. At isa pa buntis siya. Kailangan niyang isipin ang baby niya bago siya gumawa ng ibang bagay. Pinasakay siya ni Vincent sa kotse at kinausap nito ang driver. "Bring her to my safe house. Don't let her escape or else I will kill you." "Yes, Boss." Sagot ng driver. Kumuyom ang kamay ni Heaven. May hinala siyang nalaman na ng ibang tao ang tungkol sa tunay na negosyo ni Vincent. O di kay dahil 'to sa ama niya. Heaven just sighed. Tinignan niya ang hawak

