KUMUNOT ang nuo ni RV nang makitang tumigil ang kotse ni Rachel sa isang restaurant. Nagtaka siya nang makitang may ilang kalalakihang nakatayo sa labas ng restaurant. Pasimple lang ang mga ito pero nagtataka lang siya kung bakit pati sa second floor ng restaurant ay mayroon ding mga kalalakihang nakatayo na para bang may binabantayan ang mga ito. Napabuntong hininga si RV. Kinuha niya ang shades niya at isinuot. Bumaba siya ng kotse at naglakad papasok sa loob ng restaurant. Napansin niya ang tingin sa kaniya ng mga lalaki na para bang sinusuri siya. Napailing siya. He felt weird. May mga customer sa loob ng restaurant. Nakita niya ang paglapit sa kaniya ng isang waiter. "Any reservartion, Sir?" Tanong nito. Umiling si RV. "Give me a VIP room." "I'm sorry, Sir, but the VIP room has b

