HUMINGA NG MALALIM si Heaven habang binabasa ang wedding invitation nila ni RV. Kagagaling lang niya kasama ang kaniyang ina at ina ni RV sa isang bridal shop. Kasalukuyan siyang nagpapahinga sa kwarto niya. Isang linggo na lang ay kasal na nila ni RV. Sa katunayan, wala siyang ginagawa, ang ina niya at ina ni RV ang bahala raw sa lahat. Ang kailangan niya lang gawin ay magpahinga dahil masama sa kalusugan niya ang masyadong napapagod at stress. Her mom and RV's mom is preparing everything. From church, wedding reception and food. Hindi siya ng mga ito pinapatulong at sinabing magpahinga na lang daw siya. Napangiti si Heaven. Maid of Honor niya si Crystal. Nagulat nga ang dalawa niyang kaibigan nang malaman ng mga ito na buntis siya at ikakasal na sila ni RV. Mas lalong nagulat ang dal

