THE DATE OF RV and Heaven's wedding was set. Masaya naman ang dalawa dahil pumayag ang ama ni Honey na pagkatapos ng dalawang linggo ay kasal na nila. Masyadong mabilis pero gusto ni RV na makasal na sila ni Heaven. Hindi lang maintindihan ni RV kung bakit panay ang tingin sa kaniya ni Heaven na parang may gusto itong sabihin. Kaya naman nang matapos ang pag-uusap nilang lahat. Inaya niya ang dalaga na lumabas para kausapin ito. "Heaven, may gusto ka bang sabihin?" Tanong ni RV. Parang nagising naman si Heaven nang marinig ang boses ni RV. Pakiramdam niya kasi ang lumulutang ang isip niya dahil hindi niya alam kung paano sabihin kay RV ang tungkol sa kundisyon niya. "Heaven?" Hinawakan ni RV ang pisngi ni Heaven. "Ah?" Tumingin si Heaven kay RV. Mahinang natawa si RV. "Mi Reina, a

