Madilim ang nakaraan ni Freiya at dahil iyon sa ama ni Vien. Iyon ang katotohanang hindi na mababago. Alam niyang wala naman kasalanan si Vien, pero hindi parin maalis sa isipan niya ang pagluluksa para sa mga namatay na magulang.
Pangalawang araw na niya sa ospital. Ramdam niya ang maya't mayang pag aalala ni Vien na halos hindi ito matulog para lamang bantayan siya.
Hapon na at kakagising niya lang, lagi kasi siyang nakakaramdam ng antok at gigising lamang para magsuka. Madalas ay dahil sa mga bangungot at mga panaginip na masama. Maselan ang pagbubuntis ni Freiya at alam niya sa sarili niyang nahihirapan siya.
"Baby, what's wrong?" bungad sa kanya ni Vien habang inaalalayan siyang umupo.
Napatitig siya sa binata. Halata ang pagaalala sa mata. Napatitig siya dito at lalong napagtanto ang dahilan kung bakit hindi niya ito kayang kalimutan. Kahit anong gawin niya, kada titingin siya sa mga mata nito ay naaakit lamang siya. Walang nagbabago sa kanyang nararamdaman, lalo lang siyang nahuhulog.
Pero sa mga pagiisip niya ay alam niyang hindi dapat ito ang dapat niyang maramdaman.
"Vien, a-anong nangyari sa mga lalaki?" mahinang tanong niya.
Nawala ang kunot ng noo nito at gumalaw lamang ang panga sa pagigting nito. Nakuha ang ibig sabihin ng babae ay umiba ang timpla niya. Nakita ni Freiya ang pagdilim ng ekspresyon ni Vien.
"Why are you asking about them?" malamig na sambit nito.
"G-Gusto ko lang malaman kung.."
Nilingon siya ni Vien. Igting parin ang panga at madilim ang ekspresyon.
"Kung pinatay ko sila?" napasinghap si Freiya at nanlaki ang mata. Umismid si Vien at umiwas ng tingin. "Hindi pa."
"A-Anong ginawa mo sa kanila?"
Tumalim ang tingin ni Vien. "I'll deal with them. Why are we talking about those bastards anyway?"
Tumayo si Vien sa pagkakaupo at lumapit sa isang lamesang may tubig. Inabot ni Vien ang isang baso ng tubig dito at umupo sa gilid ng kama niya. Ininom naman agad ito ni Freiya at mabilis na binalik sa kanya. Pinunasan niya ang gilid ng labi nito at tinitigan ang dalaga.
"Ayaw ko lang ng mananakit ka ng kung sino Vien.."
Napatitig si Vien sa dalaga at hindi niya alam kung bakit bahagyang lumambot ang puso niya. Parang isang anghel ang kumakausap sa kanya na huwag gumawa ng masama, at isa siyang demonyo na nakikinig sa harap nito.
"There's a price in everything, Frei. I'm not kind, I bet you know that." matigas na sabi nito.
"Pero--"
"Hindi ako marunong magpatawad lalo na sa mga ganitong bagay." he said in a dangerous tone. "No one's allowed to hurt you and our baby."
Natahimik si Freiya. Marami siyang tanong sa isipan. Gaya ng lalaking nakita niya sa hotel na halatang pinahirapan ni Vien, ganon din kaya ang ginawa niya sa mga lalaki? Bawat araw na dadaan ay mas lalo niya lamang napagtatantong napakadilim ng ng mundo nito. Hindi niya pansin iyon sa ilang nagdaang taon, pero ngayon ay mas lalo lamang siyang natatakot.
Natatakot siya para sa kapakanan ni Vien at ng anak niya.
Tinitigan niya ang mukha ng binata at inabot ang mukha nito. Bahagya niyang hinaplos nag nakasalubong nitong kilay.
"Lagi ka nalang mukhang galit.." sambit niya.
Nakatitig lang si Vien sa bawat kilos nito.
"I'm not."
"Oo kaya. Simula dati, parang lagi kang galit sakin."
Lumambot ang ekspresyon ni Vien at lumamlam ang mata, nawala ang bahagyang kunot ng noo. "I'm just worried about you."
Tipid na ngumiti si Freiya. Hinuli ni Vien ang kamay nito at dahan dahang binaba.
"You always worry me, since then."
"Nagalala ka ba noong umalis ako?"
"God knows how much I want to search the whole country just to find you, Frei. I didn't sleep a wink. I can't. I was fvcking worried." paliwanag nito at bumuga ng hangin. "What are you thinking that time?" umiling si Freiya.
"G-Gusto ko lang tumira sa malayo."
Dumaan ang takot at pangamba kay Vien sa narinig. His jaw clenched. "Sige, titira tayo sa malayo."
"Ng wala ka."
Halos magsalubong ang kilay ni Vien sa narinig. "I can't allow that, you're my responsibility--"
"Dahil ba sa ginawa ng ama mo sa pamilya ko? Kaya ba pakiramdam mo kasalanan mo ang lahat at ginawa mo akong responsibilidad simula noon?" napayuko si Freiya at kumalas sa pagkakahawak ni Vien sa kanyang kamay. "Kung awa lang ang nararamdaman mo sakin Vien--"
"Who fvcking said that? That's not what I'm.." napaangat ng tingin si Freiya at nang muling magtama ang tingin nila ay muling nanlambot ang ekspresyon ni Vien at bumuntong hininga, pilit na kinakalma ang sarili. "Stop putting words on my mouth, I never felt that."
"Gusto kong mamuhay sa tahimik na lugar sa Vien. Masaya ako sa mansion, pero noong naranasan ko ang buhay sa labas, gusto kong masanay. Gusto kong kumilala ng ibang tao, gusto kong matuto.." napalunok si Freiya. "..ng wala ka."
Hindi agad nakaimik si Vien, diretso lang siyang nakatitig sa mata ni Freiya. Tinitimbang ang iniisip ng dalaga. Iniisip ang mga tamang salitang ibibitaw niya.
"Where do you wanna live then?"
"Gusto kong bumalik doon sa probinsya kung saan ako dinala ni Manang Esme." tumigas ang ekspresyon ni Vien.
"No, you're not going back there." matigas na sagot nito.
"Pero maganda ang ilog doon a-at tahimik. G-Gusto ko doon, hindi na ako pupunta ng bayan, doon lang."
"What's with that place? We can go somewhere better--"
"Pero gusto ko doon!"
"Frei.." bahagyang lumayo si Freiya sa kanya at umiwas ng tingin. "That place is not that safe--"
"Ayaw mo naman kasing makinig sakin. Wala kang pinapakinggan sa mga sinasabi ko." umawang ang bibig ni Vien.
"Baby, I'm all ears. I can hear everything you're saying right now and it's fvcking ridiculous to me".
"Vien, hindi ko kaya lumaki ang batang dala dala ko tulad mo.." naiiyak na sambit nito. "G-Gusto ko sa tahimik.." napayuko si Freiya at mahinang humikbi. "Natatakot ako sa lahat."
Bahagyang natulala si Vien sa narinig. Parang bumigat ang kanyang pakiramdam at iyon na yata ang pinakaayaw niyang makita, ang umiiyak si Freiya. Sa dami ng salita niyang narinig sa buhay, kay Freiya lang talaga siya tinatablan. Walang panama ang taman ng baril kapag ang babae ang nagbitaw ng ganitong mga salita.
"I'll be with you then. We'll go there. Let me take care of you, please?" punong puno ng pagsusumamong sambit nito. "Frei!"
Napatayo si Vien ata agad sumunod nang biglaang nagtakip si Freiya ng bibig at dumiretso sa banyo.
Maasim ang kanyang sikmura at halos hindi maintindihan ang nararamdaman. Nasabi ng doktor sa kanya na isa lang ito sa mga mararanasan niya habang siya ay nagbubuntis. Sa nagdaang linggo, nasanay na rin siya sa ganitong pagsusuka na pabigla bigla lalo na sa madaling araw.
Tumakbo siya patungo sa banyo at dumiretso sa lababo. Halos manlambot ang tuhod niya doon habang sumusuka. Naluluha ang mga mata nito at hirap huminga. Nanlabo ang paningin niya kaya naman naghilamos siya at agad kumuha ng towel sa gilid.
Ilang minuto siyang tumagal sa ganoong pwesto bago niya naramdaman ang isang presensya sa kanyang likod. Narinig pa niya ang mahihinang mura ni Vien na agad niyang nilingon.
"A-Are you alright?" punong puno ng pag aalala ang mukha nito.
Inayos ni Vien ang takas na buhok nito na humaharang sa mukha ng babae. Kinuha niya ang hawak na towel na Freiya at siya mismo ang nagpunas sa mukha nito pababa sa leeg dahil pawis na pawis ito.
"Hmm.." tanging nasambit nito sa sobrang panghihina. "N-Normal lang naman to."
Nakita niyang umigting ang panga nito. Inalalayan siya papuntang kama at inayos ang kanyang pag upo.
"This is insane.." rinig niyang bulong ni Vien.
Napangiti si Freiya sa reaksyon nito. Halatang problemado ang itsura ng binata.
"I'll just call the doctor--" hinagilap agad ni Freiya ang kamay nito para pigilan sa pag alis.
"Dito ka lang.."
"But you need to be check--" lalong hinawakan ng mahigpit ni Freiya ang kamay nito.
"Dito ka lang Vien.."
"I'll comeback Frei, he's just outside. I just wanna make sure that you're fine." pinisil nito ang kamay niya at hinaplos ang buhok. "I will never leave."
Sa huli ay tumango si Freiya at hinayaan si Vien lumabas para tawagin ang doktor. Totoo ngang mabilis lang ito dahil wala pang isang minuto ay nandoon na ang isang babaeng doktor kasama ang kaibigan nito na si Ren.
"Calm the fvck down, man. Mas ikaw pa yata nahihirapan kesa kay Freiya eh." sambit ni Ren.
"Good evening, how are you feeling?" bungad ng doktor.
"She's not fine." sabat ni Vien.
Napatingin sa kanya ang doktora at tipid na ngumiti bago bumaling kay Freiya. "You're probably experiencing morning sickness. Are you currently drinking any medicine or vitamins?"
"What do you mean by morning sickness, it's fvcking nine in the evening."
Halos matawa ang kaibigan niyang si Ren habang nakaawang ang bibig nito dahil hindi makapaniwala sa narinig. "It's a term, man. Hindi ka ba nag research man lang about sa pagbubuntis." tinaliman niya lang ito ng ekspresyon.
"Shut up." gigil na sabat ni Vien.
"Meron po, kaso na kila Manang Esme yun eh." sagot ni Freiya. "Nasaan na pala sila, Vien?"
Tumikhim si Vien at nagtiim ng bagang. "They're back at the mansion."
Napayuko si Freiya at dumaan ang malungkot na ekspresyon.
"Vien, iyong tungkol kanina.."
"Fine, we'll go back there. I'll be with you. Isasama natin si Manang Esme at Niña." lumiwanag ang mukha ni Freiya at napangiti. "But, we'll stay somewhere near there. Hindi sa mismong bahay kung saan ka dinala ni Manang Esme."
"B-Bakit?"
"What do you mean bakit? I want to provide you a nice and neat home with complete things." sagot nito, aalma palang sana si Freiya nang sumagot ulit si Vien. "Frei please, just trust me. Please?"
Napalingon sa gulat si Ren sa kaibigan. "Wow, love really makes you say things that you don't usually say eh?" irita syang nilingon ni Vien
"Will you shut up?" aniya.
"Thank you, Vien." nakangiting sambit ni Freiya.
Lumipas ang isang linggo at tuluyan na ngang bumalik sa lugar kung saan tumira si Freiya. Sa isang malayong bahay sa halos gitna ng gubat, malapit sa lugar nila Manang Esme siya dinala ni Vien. Hindi niya akalain may bahay sa gitna ng gubat. Noong una ay natakot siya pero nang pumasok siya sa loob ay namangha lamang siya.
Napaka moderno ng disenyo pero ang mga gamit ay yari sa kahoy. Napakalinis tingnan at napakasimple lang.
Nang pumasok siya sa kanyang kwarto ay ang mismong view nito ay mismong talon sa kabilang bundok na kitang kita ang magandang pag agos ng tubig. Dinig ang bawat huni ng ibon at hampas ng mga dahon dahil sa hangin.
Napangiti siya habang nasa bintana at tinitignan ang buong view.
Maya maya ay may pumulupot sa bewang niya at humaplos sa kanyang tiyan.
"You like it?" bulong ni Vien mula sa kanyang likuran.
"Ang ganda! Parang mga nababasa ko sa libro. Pero paano tayo--" nang lingunin niya si Vien ay halos magulat siya sa lapit ng binata. "..mamimili ng pagkain?" lumiit ang boses niya na halos pabulong.
Nakakulong na siya sa malalaking bisig nito at nakakayap ng mahigpit.
"We have everything here. Just list down the foods that you want to eat, hmm?" bulong ni Vien at tumango lang si Freiya habang hindi parin maalis ang titig sa binata.
Dahan dahan siyang tumango.
Halos manlamig siya at mapalunok sa boses nito. Alam niyang may nangyari na sa kanila pero hindi niya parin maiwasan magulat sa kakaibang pakiramdam na binibigay ni Vien sa kanya tuwing hahawakan o hahaplusin siya nito.
Unti unting nagpakawala ng mahinang tawa si Vien sa reaksyon ng dalaga. "Why are you looking at me like that?"
"W-Wala naman.."
Agad umiwas ng tingin si Freiya. "Look at me, Frei." ani Vien habang hinuhuli ang tingin ng dalaga. "Someone's blushing." pangaasar pa nito.
Kumalas si Freiya sa pagkakayakap ni Vien at aalis na sana nang hilahin siya lalo nito at niyakap ng mahigpit mula sa likod. Ngayon ay ramdam niya ang mainit na hininga ng binata.
"Do you like me that much?" ani Vien na may halong pangaasar sa tono.
"Oo.." mabilisan niyang pag amin. "Kaya huwag mo akong asarin hanggang gustong gusto pa kita." mahinang sambit niya.
Kumalas ng yakap si Vien at humarap sa dalaga. "You sounded like you have plans on ending your feelings with me."
"Huh? Wala ah!" umismid si Vien.
"That'll never happen anyway. I'll make you want me forever."
Agad inatake ng binata ng halik ang babae.
--