Kabanata 12

2350 Words
Nakatulala lang si Freiya at lalong nanlambot ang tuhod. Umapaw ang luha sa mga mata niya. Humawak siya sa dalawang braso ni Vien. Ramdam niya ang napakatensyadong katawan ng lalaki na para bang nag aapoy sa galit. "You alright?" tanong ni Vien. Bahagya niya pang chineck kung may mga sugat o pasa ang babae. Itinaas ni Freiya ang kanyang kamay para haplusin ang pisngi ni Vien pero bago pa niya iyon magawa ay nakaramdam siya ng pagkahilo at panghihina. "Vien.." sambit nito sa pangalan niya bago mawalan ng malay. "Shit." mahinang mura ni Vien. Lalong umapaw ang kaba, galit at pag aalala niya. Tumalim ang tingin nito nang lumipat sa mga lasing na ngayon ay nag aakmang lumapit sa likuran ni Freiya. Niyakap niya ang babae at isiniksik niya ito sa sa dibdib niya gamit ang kaliwa niyang kamay. Ang kanang kamay niya ay humugot ng baril. Isang silencer gun. Hindi siya basta bastang pumapatay, pero gustong gusto niyang patayin agad ang mga lalaki sa harap niya ngayon. Ngunit naisip niya rin na hindi nababagay sa kanila ang ganitong klase ng kamatayan. Masyadong mabilis at madali. Isa isa niyang pinaputukan ang bawat binti nito dahilan para mapaluhod ang apat na lalaki. Nagtaas pa ng kamay ang isa na hindi siya kasali. Binaril niya ang kamay nito. Puro daing at pagmamakaawa ang naririnig mula sa mga lalaki. Sunod sunod na yapak paparating dala ng mga tauhan ni Vien. "Sir." pagbati nila. "Dalhin silang lahat ng buhay. Walang makakatakas." matigas na sabi ni Vien. Agad nagsikilos ang mga tauhan niya. Kasama doon si Ren, ang kanyang kaibigan. "What the.." gulat na sambit nito habang nakatulala sa mga lalaking duguan ang binti. Agad siyang luminga linga sa paligid at agad nagtawag ng isang tauhan. "Pakicheck kung may mga CCTV at nakakita. Dalhin kung may witness." seryosong utos ni Ren. "Yes sir." sambit ng isang tauhan at agad kumilos. Walang pakialam si Vien sa lahat. Galit siya ngayon at gustong gusto niya ng pumatay. Pero nanatili lang siyang kalmado na para bang pinipigilan ang galit na gustong kumawala sa kanya. Itinago niya ang baril sa bulsa at nang maramdamang wala na ang mga lalaki sa paligid dala ng kanyang mga tauhan patungong van ay doon niya na binuhat si Freiya. Napapikit ulit siya at napamura nang makitang wala itong malay. Agad siyang dumiretso sa isang sasakyan. Naghihintay doon ang isang driver na kanyang tauhan. "What happened to her?" tanong ni Ren habang hinahabol ang mabilis na paglalakad ng kaibigan. "Where are you going, man?" Gusto niyang magprisinta na siya na ang titingin sa babae, pero mukhang walang plano na ganon si Vien. "I'll deal of those fvcking bastards later so make sure you won't loose any of them." puno ng awtoridad na sambit nito. "Also, find the old lady and the maid. They're probably just around here." Umikot siya sa passenger seat at agad ipinasok doon si Freiya. "Right, then what about your girl? Where are you taking her?" nilingon siya ni Vien na puno ng iritasyon. Napatitig ang kaibigan sa kanya. Napakadilim ng aura nito at tila ba ay isang pitik lang ay sasabog na ito sa galit. "Didn't you hear what I said?" napatiim ang bagang ni Ren at tumango nalang. "Just. Move." Bahagya rin siyang natakot sa ekspresyon ng kaibigan, agad itong tumalima at tumakbo papunta sa kabilang sasakyan para dalhin ang mga lalaking lasing sa isang abandonadong lugar. "Give me the fvcking key." aniya sa driver na agad naman tumalima at inabot ang susi. Mabilis pinaandar ni Vien ang sasakyan patungo sa isang malapit na ospital kung saan mayroon siyang kakilalang doktor. Dinala sa isang pribadong ospital si Freiya sa pinakamalapit na bayan. Doon ay ginamot siya ng isang doktor. Doon din nalaman ni Vien ang kondisyon ni Freiya. Lumipas ang buong araw na hindi parin nagigising si Freiya. Habang nakahiga at wala pang malay, napuno ang alaala niya sa panaginip noong bata pa lamang siya. Pagkatapos masunog ang kanilang bahay at mamatay ang kanyang mga magulang. Alaala na tila ba ngayo'y bumabalik sa isang panaginip. Isang bata ang nakita niya. Ang batang si Vien. Bumalik ang alala niya nang una niyang masilayan ang mansyon ng lalaki. Nakita niya ang batang sarili na para bang nakatulala. Nagising nalang siya na wala siyang maalala at hindi niya alam kung paano makipagusap ng maayos. "Ilang buwan na siyang ganyan, hindi pa ba siya magsasalita?" boses ng batang si Vien. "At tuluyan naba siyang mawawalan ng ala ala?" "Grabe ang trauma na nangyari sa kanya, young master. Hindi basta basta siya makikipagusap at ang mga alaala niya ay hindi basta bastang babalik. Mas maayos narin siguro yon nang makasimula siya ng bagong buhay. Masyadong madilim at masakit ang mga nangyari sa kanya." boses ng isang matandang lalaki. Lumipas ang mga araw at buwan, ang batang si Vien na halos kasabay niya na lumaki ay nagiging mas istrikto ang personalidad nito. Sa murang edad ay alam niyang may kaakibat na itong responsibilidad. Kaya naman sa bawat araw na dumadaan, mas lalong nadedepina na mas matanda at mas mature na ang pagakatao nito. "Hindi ka daw kumain." bungad ng dyesiotso na si Vien, isang beses nang umuwi siya ng alas doss ng gabi. "W-Wala ka eh.." bulong ni Freiya at nakayuko. "May kailangan akong tapusin na proyekto." sagot na lamang ng binata. Galing pa itong Maynila, tuwing sabado at linggo uuwi pagkatapos ng business lessons nito. "Natagalan ka? Ayaw mo na yata akong uwian.." sambit ng dalagang si Freiya sa maliit na boses. Napatiim ang bagang ng binata. "Hindi naman palaging dapat mo akong hintayin. Huwag matigas ang ulo at sumunod sa mga nagbabantay sayo dito." ani Vien sa mahinahon na boses para hindi matakot si Freiya. "Ayaw ko lang na magkasakit ka." pahabol niya pa. "Kung ganon, p-pwede bang sabay tayo kumain?" tanong ni Freiya. Tumigas ang ekspresyon ni Vien. "Tapos na ako, kumain kana." aniya at tumalikod paalis. Sa bawat araw na dadaan ay unti-unting nasanay si Freiya sa ugali ng binata. Laging tuwid ang ekspresyon nito, hindi palangiti, istrikto at parang laging galit. Sa paglipas ng mga taon ang ekspresyon nayon ay unti unting nabago. Natutunan niya ang maging positibo at palangiti, bagay na ikinakagulat parin ni Vien sa bawat araw na makikita niya ang dalaga. "Hi Vien!" bati niya isang beses nang siya ay tumungtong ng edad bente. Nakasuot siya ng floral na spaghetti dress. Kakababa niya lang galing kwarto. Binati niya si Vien pero ilang kalalakihan ang nakita niya doon. Sunod sunod itong nakatayo at naka uniporme. Ito ang mga bagong tauhan ni Vien na kinuha niya para bantayang maigi ang mansyon dahil ilang buwan siyang mawawala para sa kanyang trabaho. Tumalim ang ekspresyon ni Vien at nagtiim bagang ito nang makita kung paano matigilan ang ilang lalaking tauhan niya. Ang iba ay sumulyap lamang at dumiretso ang tingin, pero ang isang lalaki na nanatiling nakatulala at nakatitig kay Freiya ay nilapitan niya. "Take your fvcking eyes off her." mabigat ang pagsabi nito sa mababang boses. "S-Sorry sir." nanlaki ang mata nito at napalunok. "Get out. All of you." yumuko lang ang mga ito sabay sabay na nagsilabas. "Aalis kana? Hindi mo ako ginising.." nakalabing sambit nito nang makalapit sa kanya. "S-Sino pala sila? M-Mga kaibigan mo?" "I told you to fix yourself in the morning before showing yourself to me." puno ng iritasyon niyang sabi. "H-Huh?" napapikit si Vien at hinilot ang sentido. Dumilat siya at huminahon. "Wala, aalis nako. Ilang buwan akong mawawala kaya huwag kang magkukulit. Lagi akong tatawag." Tumango si Freiya at ngumiti "Babalik kapa diba?" Hinawakan ni Vien ang pisngi nito. "Lagi akong babalik sayo, Frei." sambit niya na lalong nagpangiti sa dalaga. "Hintayin kita Vien ah! Mamimiss kita!" napangiti si Vien at mahinang natawa. Hinaplos niya ang pisngi nito at bago pa siya makaalma ay niyakap na siya ni Freiya ng mahigpit. Ilang alaala pa ang dumaan kay Freiya sa kanyang panaginip. Mga masasayang alaala. Merong nagkukwento siya ng kung ano ano habang nakikinig lamang si Vien, nagtatakbo habang nakahalukipkip lamang si Vien at mga tawa niyang napakalakas habang si Vien ay nangingiti lamang. Hanggang sa dumaan ang isang alaala kung saan ay sinubukan niyang sumisid sa dagat. Ilang taon na siyang nasa isla na iyon pero hindi pa siya kailanman nakasisid sa malalim na parte nito. Gusto niyang maranasan. "Ang ganda talaga dito.." bulong niya nang pagmasdan ang kabuuan ng isla kung saan siya lumaki. Wala si Vien kaya naisipan niyang sumisid. Hindi din naman ito magagalit kung hindi niya malalaman. Ayon na lamang ang nasa isip ni Freiya. Suot ang isang shorts at manipis na puting shirt ay dahan dahan siyang lumusong sa dagat. Maganda ang sikat ng araw at kitang kita ang kintab ng tubig. Lalo siyang naengganyo sa pagsisid. Nang maabot ng tubig ang kanyang leeg ay sinubukan na niyang pumailalim. Ang una ay pasaglit saglit na lalim lamang, nauwi sa matagalang sisid. Kapag mawawalan na siyang hininga ay agad siyang papadyak para umahon. Abot parin ng kanyang paa ang buhangin kaya naman alam niyang kaya niyang umahon. Sa paulit ulit na pagsisid at ahon ay mas naengganyo siyang pumailalim pa. Mas natitigan niya ang ganda sa ilalim. May mga nakikita na siyang corals at mga bato. Sa pagpadyak ng kanyang paa ay tumama ito sa isang matalim na malaking corals. Ramdam niya agad ang hapdi noon, sa pagkabigla ay napangiwi siya dahilan ng paginom ng tubig. Halos maubo siya sa ilalim at pilit na pumadyak paakyat. Pero masyado yatang malalim na ang kanyang narating. Nawawalan na siya ng hininga at nanghihina na. Nakaramdam siya ng kaba at pagkawalan ng pag asa. Sa sandaling iyon naman ay ang pagbagsak ng isang tao sa tubig. Agad niyang nakita si Vien. Inabot niya ang kamay niya pero masyado na siyang nawawalan ng hininga. Hindi siya makaahon. "Frei.." Hindi siya makahinga. "Freiya!" Napadilat si Freiya at nagising sa Reyalidad. Puno ng pawis ang kanyang noo at leeg. Taas baba ang dibdib niya. Ang una niyang nakita ay si Vien. Agad siyang bumangon at niyakap ito. "What's wrong? What did you dream about, hm?" bulong ni Vien. Sumiksik lang siya sa leeg nito at hindi umimik. Hindi niya maalis sa sistema na sa tuwing nakakaramdam siya ng kahit anong emosyon ay si Vien ang unang gusto niyang makita. "You alright?" Hindi sumagot si Freiya. Pumikit siya at ilang sandaling nanatili sa ganong posisyon. Saka lamang siya natauhan at napahiwalay kay Vien nang maalala niyang buntis nga pala siya. "V-Vien, k-kamusta ang.." umapaw ang kaba kay Freiya. Nakuha naman ni Vien ang ibig nitong itanong. "The baby's fine." paos na sambit nito. Kahit papaano ay pumanatag ang loob ni Freiya. Muling umupo si Vien at bumalik sa posisyon. Nakahawak siya sa headboard ng kama at ang isang kamay ay nasa kamay ni Freiya. Nang tumitig siya kay Vien ay bumalik lahat ng sakit at pangungulila na nararamdaman niya. "G-Galit kaba?" tanong niya sa maliit na boses. Umigting ang panga nito. "You should lie down and rest." Napalunok si Freiya. Halatang galit ang lalaki. Hindi niya ito matatanggi, sa dilim ng ekspresyon nito ngauon. Umiling si Freiya at nanatiling nakaupo. "B-Bakit ka nandito?" tanong niya kay Vien. Nagsalubong ang kilay nito at namuo ang iritasyon sa mukha, pero nanatiling kalmado. "Let's just talk about it some other time--" sinubukang hawakan ni Vien ang kamay nito. "A-Ano pang kailangan mo sakin?" hindi ito sumagot. "P-Paano mo ako nahanap? Bakit?" marahas bumuga ng hangin si Vien, nagtitimpi sa kung anong isasagot. "Let's just rest, Frei. It's bad for your--" "Bakit?" Napatitig sa kanya si Vien. Humugot ng malalim na paghinga at tumango. "Fine. Sa tingin mo bakit nga ba?" kunot ang noo nito at matigas ang ekspresyon. "You left with a fvcking man. You left without a fvcking word. You fvcking left while you're.. pregnant." halos hindi niya pa mabigkas ang huling salita. Napakurap si Freiya at naramdaman ang nagbabadyang luha sa gilid ng mata. "Bakit mo pa ako niligtas? Sana pinatay mo nalang din ako gaya ng ginawa ng ama mo sa mga magulang ko.." nagdilim ang ekspresyon ni Vien. "What the fvck? Why would I do that? I am not like my goddamn father." matigas na sambit nito. "I saved you because I want to!" "Then what about now? Dahil ba sa dala dala ko ang anak mo kaya mo ako hinanap?" tumulo agad ang butil ng luha sa kanyang mga mata.a Nagtiim bagang ang binata. "I didn't know you're pregnant when you left. And hell, may anak man ako sayo o wala hahanapin parin kita." Nakaramdam ng panghihina si Freiya. Ilang sandali pa ay mahina itong humikbi para pigilan ang malakas na pagiyak. "G-Gusto kitang iwan.. G-Gusto kong magalit.." sambit nito sa bawat hikbi niya. "Pero lagi parin kitang naiisip. Gusto kong mabuhay mag isa.." walang sabing umupo si Vien sa kama at hinawakan ang magkabilang pisngi ng dalaga. "Pero hindi ko kaya.." "Sshh. I'm sorry.." hinagod niya ang likod nito at niyakap. "B-Bakit hindi mo nalang ako hinayaan Vien?" "Half of my life, you were there. How can I.. just let you go?" ramdam ang sakit sa tono nito. "I was devastated and fvcked up for a week not knowing where you are." matigas na sabi nito na punong puno ng kontrol ang tono. "I can't lose you, Freiya." "Natakot ako, s-sorry Vien. Hindi ko alam ang gagawin.." "I understand, it's fine. I'm sorry." aniya at humiwalay ng yakap. Pinunasan ni Vien ang luha nito na siya mamang kinaangat ng tingin ni Freiya. Bumaba ang tingin ni Vien sa labi nito. He started kissing her lips. Pinalis niya ang luha ng babae habang dahan dahang hinalikan ito. Napapikit si Freiya at dinama ang halik na ginawad ni Vien. Ilang sandali pa ay humiwalay si Vien at tumitig sa mga mata ni Freiya. "I love you, baby. Please, please don't do this again.." aniya sa pagmamakaawa na tono. Hindi niya maintindihan ang nararamdaman. Grabeng emosyon na hindi niya maipaliwanag na ang tanging sagot lang ay si Vien. "I'll make it up for you. I'll do everything you say. Just fvcking stay with me, Frei." --
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD