Nagising si Freiya at agad nakalanghap ng masarap na pagkain. Kinusot niya ang mata at luminga sa paligid. Nakita niya sila Manang Esme at Niña na naghahanda ng agahan. Pero wala sila sa bahay. Nasa isang puting kama siya at puting kwarto.
Umaga na pala.
Hindi niya alam ang nangyari at paano siya nakauwi.
"Freiya! Ayos ka lang ba? May masakit ba sayo?" sunod sunod na tanong ni Niña.
Umiling siya at umayos ng upo. "Nasaan ako?"
"Nasa clinic ka, mabuti nalang may malapit na clinic dito sa bayan. Natakot kami ni Manang kahapon. Ayos ka na ba?"
Napaisip si Freiya at natahimik. "Magkaiba ba ang clinic sa ospital?" tanong nito.
"Malaki ang ospital, ang clinic maliit lang. Nasa clinic lanh tayo dahil masyadong malayo ang ospital mula sa atin. Baka ano pang mangyari sayo kapag doon ka pa dinala." tumango tango si Freiya.
Ngumiti ito. "Ayos lang ako, baka napagod lang." nakangiwi si Niña at nilingon si Manang Esme.
"Ang totoo niyan.."
"Kailangan mong kumain, Freiya. Dapat kang maging malusog ngayong.. buntis ka." sambit ni Manang Esme.
Natulala ng bahagya si Freiya at hindi agad pumroseso sa kanyang isip ang narinig. Napakurap siya at tinuro ang sarili. "B-Buntis po ako? M-May baby sa loob ng tiyan ko?" gulat na gulat na tanong niya.
Bago pa makasagot ang matanda ay may isang lalaki na ang pumasok sa kwarto. "Hi po, good morning! Kamusta na po ang p-pakiramdam nila?" bahagyang natulala ang isang nurse habang nakatingin kay Freiya.
"Ayos naman po." sagot niya sa maliit na boses.
"U-Uhm, m-may asawa po ba--aw!" biglang hinampas ng isang babaeng doktor ang nurse na iyon.
Lumapit ang doktor kay Freiya. "Hi misis, kamusta ang pakiramdam?" tanong nito.
"B-Buntis po ba ako?" balisang tanong niya.
"Yes, congratulations!" nakangiting sambit nito.
Natulala si Freiya at hindi makagalaw. Hindi niya alam ano ang dapat maramdaman. Magiging masaya ba o malungkot. Gulong gulo ang isip niya at halatang balisa pa siya sa narinig.
Nawala ang ngiti ng doktor at napatingin kila Manang Esme. Nakuha naman agad ng doktor ang sitwasyon at tumikhim. "Oh, sorry. Don't worry, ma'am bibigyan po namin kayo ng reseta for vitamins ng mga dapat niyong bilhin para mas maging healthy si baby." alanaganin nitong sabi. "And pumunta kayo dito atleast every two weeks for check up para mas matingnan natin ang kalagayan niyo po."
Nagexplain pa ito ng kung ano ano pero walang naririnig si Freiya. Hindi niya alam kung anong gagawin.
Maya maya ay nilapitan siya ni Manang Esme. "Papalakihin natin ang bata, Freiya. Nandito kami para sayo." sambit ng matanda at niyakap si Freiya.
Palabas na sila ng ospital nang humabol ang nurse kanina na lalaki at nag abot ng isang plastic laman ang vitamins.
"Ma'am! Tira po yan sa mga pinamigay last week para po sa mga buntis dito sa baranggay. Sana po makatulong." nakangiting sambit nito.
"Salamat." wala sa sariling sambit ni Freiya.
Lumipas ang ilang araw at nanatili paring matamlay si Freiya. Iniisip ang mga nangyayari at mangyayari. Alaga siya nila Niña at Manang Esme at lubos ang pasalamat niya sa dalawa.
Minsan ay naiiyak nalang siya biglaan at iyon ang nakakapagpataranta sa dalawa.
"Gusto mo punta tayo ng dagat naman?" natigil sa pag iyak si Freiya at tumango sa sinabi ni Niña.
"Ayoko ng isda." humihikbing sambit ni Freiya.
"Ah, oo hindi tayo manghuhuli ng isda." lalo na at hindi gusto ni Freiya ang malansa nitong amoy. "Manang sa dagat lang kami!" paalam ni Niña.
Kasabay ng pagpaalam niya ang pagpasok ng isang binata sa bahay nila.
"Sandali muna, Niña."
"Nay Esme, tawag niyo daw ako?" bungad ng isang lalaking nasa kaedaran din nila Freiya.
Moreno ito at matangkad. Halatang babad sa araw at batak ang katawan. Palangiti ito at maaliwalas ang ekspresyon ng mukha.
"Oh Baron, ikaw pala! Pwede mo bang samahan itong dalawang pamangkin ko sa may dagat. Delikado kasi kung gabihin." sambit ni Manang Esme. "Niña, Freiya, ito pala si Baron, anak ng kababata ko dito. Inaanak ko ito at mabait naman itong batang to. Siya ang sasama sa inyo sa dagat at delikado sa daan." paliwanag nito.
Napalingon ang binata sa dalawa at agad napatitig kay Freiya. Natulala siyang bahagya at nabighani sa gandang taglay nito. Para itong anghel. Napatitig siya sa mata nito, napakaganda.
"Tigilan mo na kung ano man yang nasa isip mo, buntis to okay?" paninira ni Niña sa kung ano mang iniisip ni Baron.
"B-Buntis?!" gulat niyang sambit at napatingin kay Freiya. "A-Ah nasaan ang asawa niya?"
"Private matters. Tara samahan mo na kami." pag aya ni Niña.
Sa buong paglalakad nila pa sapa ay hindi maiwasang mapatitig ni Baron kay Freiya. May dalawang tanong sa isipan niya.
Anong ginagawa ng napakagandang nilalang na ito sa kanilang baryo?
Nasaan ang asawa nito at bakit mag isa lang siya?
"Baron, matao ba sa dagat?" tanong ni Niña.
"Hindi naman, sa ganitong oras wala gaanong naliligo na. Kung meron, puro bata lang naman." paliwanag niya sabay sulyap kay Freiya.
"Tantanan mo na yang kakatitig mo sa kaibigan ko, wala kang laban sa asawa nito." parinig ni Niña.
Napakamot sa ulo si Baron at nahihiyang tumawa. "Kakaiba kasi ang ganda niya." mahinang sambit nito.
Pagkarating nila doon ay umupo lang sila sa dalampasigan at pinanood ang paglubog ng araw. Napapangiti kahit papaano sa ganoong paraan si Freiya.
"Baron.." tawag niya na agad naman ikinapula ng binata. "Dito ka ba lumaki?" tanong ni Freiya.
"A-Ah oo. Dito na.." nahihiyang sagot nito. "Kayo ba? Galing ba kayong maynila?"
"Huwag ka ng matanong." sabat ni Niña.
Natawa si Baron. "Sorry sige hindi na, basta kung may tanong lang kayo sasagutin ko." sambit niya.
Napatitig si Freiya sa palubog na araw. Napakaganda. Napangiti siya at napapikit. Rinig niya ang hampas ng alon ng dagat. Hindi niya man alam ang mangyayari pero dapat ay tanggapin niya na ang katotohanang isa na siyang ina.
"Uy Baron! May mga babae ka na naman!" napadilat si Freiya at napalingon sa ingay na nagmula sa likod.
Tatlong lalaking nakasando at pantalon. May hawak na mga timba at panigiradong ang mga laman ay isda.
Natigil ang tatlong lalaki at napatitig kay Freiya. Tumikhim ang isa at bahagyang lumayo, nahiya sa dala.
"Mga pamangkin ni Nay Esme." malamig na sagot ni Baron at napansin ang pagkatitig ng tatlong lalaki kay Freiya.
Bahagya niyang hinila si Freiya at sinakluban ng kalo. "Suotin mo yan para hindi masyadong agaw pansinin." tumango si Freiya.
Naalala niya ang parehong eksena kasama si Hans. Ganon din ang paalala. Nilingon niya ang tatlong lalaki sa likod at bahagyang nginitian ang mga ito bago tinuon ang tingin sa palubog na araw at sa dagat.
"Ano pang kailangan?" mataray na tanong ni Niña ng hindi pa umaalis sa mga pwesto nila at nakatanga.
"A-Ah, sige. Baron alis na kami!" sabay sabay silang naglakad palayo at ilang lingon pa ang ginawa bago tuluyang mawala.
Bumuntong hininga si Baron. "Pag lalabas kayong dalawa sabihin niyo sakin, baka may mangyari pa sa inyo pag kayong dalawa lang." paalala niya.
"Eh ikaw? Matino kaba?" sabat ni Niña.
"Hindi naman ako masamang tao, gusto ko lang samahan kayo. Nagpapaalala lang." sambit niya pa at napatitig kay Freiya.
"Huwag kang maglalakad mag isa dito sa baryo." nginitian siya ni Freiya at tumango.
Natulala saglit si Baron. Napakaganda talaga nito.
Alas otso na ng makauwi ang tatlo, kabisado ni Baron ang daan at siniguradong hinatid ng maayos ang dalawa. Pagdating nila ng bahay ay may nakahanda ng hapunan para sa kanila. Agad pinainom ni Manang Esme si Freiya ng mga vitamins na dapat nitong inuman bago kumain dahil may iinumin din ito pagkatapos.
Nang kakain na sila ay nagpaalam na rin si Baron. Kailangan ng umuwi dahil walang bantay ang mga kapatid.
"Tawagin niyo lang po ako nay pag kailangan niyo ako ah." nakangiting paalam nito at magalang na umalis.
Nang silang tatlo nalang ang nasa kainan ay agad nagkwento si Niña. "Manang Esme, alam niyo ba kanina.."
Tinitigan ni Freiya ang mga ulam at puro ito gulay. Napanguso siya at parang may gusto siyang ibang kainin.
"Manang.." napatigil sa pagdaldal si Niña sa mga kwento nito. "Wala po bang pancake?" napaubo ang dalawa at nagtinginan.
"Wala nak eh, bukas na bukas bibili ako." napanguso ang dalaga.
"Sige po.." malungkot na sambit nito at nagsimulang kumain ng mga gulay.
Maya maya ng matapos ang hapunan ay nagsuka si Freiya. Grabe ang pagsusuka nito at naaawa na ang dalawa. Hawak hawak ang buhok nito ay hinayaan itong magsuka. Pawis na pawis ito at halos ay manghina sa pagsusuka.
"Manang, hindi po ba natin tatawagan si Sir--" natutop niya ang bibig ng samaan siya ng tingin ng matanda. "Sabi ko nga po hindi."
Lumipas ang mga araw at ganun parin ang mga nangyayari.
Halos mag iisang buwan na at mas lalong lumalala ang mga nararanasan ni Freiya dahil sa kanyang pagbubuntis. Grabe naman ang alalay ni Niña at Manang Esme sa dalaga, dagdag pa si Baron na halos ay tumutulong na rin sa pag aasikaso sa babae at sa kanilang bahay.
Kumalat narin ang balitang mayroong napakagandang pamangkin si Manang Esme kaya naman ay napapansin ng matanda na may sumusulyap sulyap sa kanilang bahay at pasimpleng dumadaan.
Hindi maganda ang ganoong pangyayari kaya naman dinagdagan nila ang mga lock ng kanilang pintuan sa bahay. Ang malayo nilang bahay ay madalas na kasing daanan para lang masilayan si Freiya. Puno ng kuryosidad ang mga tao dahil sa mga nakakita kay Freiya.
"Esme, nandyan ba ang pamangkin mo?" isang tanghali nang may kumatok na isang babae sa bahay nila.
Ang mga dating kakilala ni Manang Esme na napapadpad na doon.
"Anong kailangan?"
"Iyong anak ko kasi, ilang linggo ng bukambibig ang pamangkin mo. Baka pwede naman siyang makita--" hindi na ito pinatapos ni Manang Esme at sinaraduhan ng pinto.
"Nakakaloka naman ang mga tao dito, okay gets na mapakaganda nitong si Freiya pero napaka creepy naman nila Manang!" inis na sabi ni Niña.
"May problema po ba Manang?" tanong ni Freiya.
"Wala naman iha." sambit ni Manang Esme. "Mamaya ay pupunta tayo sa clinic para magpa check up ha?" tumango si Freiya.
"Bibili din po ba tayong pancake?"
"Oo naman." nakangiting sagot nito.
"Gusto po namin ni baby yon." masayang sambit ni Freiya.
Alas singko ng hapon ay sinamantala nila ang walang gaanong tao sa daan. Si Baron ang naghatid sa kanila sa clinic gamit ang tricycle pero agad ding umalis dahil susunduin ang mga kapatid na galing eskuwela.
Sumalubong sa kanila ang lalaking nurse doon. Agad napangiti nang makita si Freiya.
"Good afternoon po!" masayang bati niya.
"Good afternoon, nasaan si Doc?" tanong ni Manang Esme.
"Ah nag lunch lang po, pa wait muna dito." kasabay non ang pagpasok ng babaeng doktor. "Ay nandyan na pala, hi Doc!" masiglang bati ng nurse.
"Saya mo ah? Diba pupuntahan mo si Aling Nena para i check up, kumilos kana." utos nito.
Nagkamot ng ulo ang nurse at sumimangot. Ngumiti ulit ito nang tumingin kay Freiya. "Check-up well po!" sambit nito at lumabas ng clinic.
Umiling iling ang doctor at umupo. Nginitian nito si Freiya. "Hi Doc." bati ni Freiya.
"Hello Freiya, kamusta naman ang pakiramdam?"
Sinimulang icheck-up si Freiya at kunin ang bp nito. Maraming paalala ang doctor dahil medyo hirap si Freiya sa mga nararanasan lalo na sa pagsusuka at sa mga kinakain nito. Nagdagdag ng reseta ang doktor at mga paalala kay Freiya.
Alas siete na ng gabi ng matapos ang check-up kay Freiya. Magsasara narin ang clinic, nang lumabas sila ay halos madilim narin. Kumokonti narin ang mga tao.
"Freiya, can I ask? Where's the father of the child?" huling tanong ng doktor bago lumabas si Freiya ng clinic.
Ngumiti lang siya at umiling. Hindi na siya sumagot pa.
Nakatingin lang siya ngayon sa buwan. Bilog na bilog parin ito.
"Freiya, kailangan ko lang mag withdraw at bibilhin ko itong mga gamot mo ha?" tumango si Freiya. "Niña bantayan mo itong si Freiya ha?"
"Opo, manang." alanganing sagot nito dahil nakakaramdam na ng tawag ng kalikasan.
Nang makaalis ang matanda ay agad nagtanong si Freiya. "Bibili ba tayo ng pancake?" natawa si Niña.
"Oo, Freiya. Pinaglilihian mo ba ang pancake?" natatawa nitong sabi.
Natawa rin si Freiya doon.
May ilang napapalingon sa kanila at napapatigil. Napapatitig sa dalaga. Hindi ito napansin ni Niña. Pilit na nilalabanan ang nararamdaman.
Ayaw niyang iwan si Freiya.
"Niña? Ayos ka lang?" nagaalalang tanong nito.
Doon niya na napagtantong hindi niya na kayang pigilan. "Cr muna ako, Freiya. Dito ka lang, babalik ako agad. Like dito ka lang ha?" tumango si Freiya. "Hindi ko na kaya sorry.."
Tinakluban ni Niña ng kalo ang buong mukha nito bago nagmamadaling tumakbo.
Nakaupo lang siya sa labas ng clinic. Nakatingin lang siya sa mga taong nagbabalot na ng mga paninda para makauwi. Tahimik lang na nanonood si Freiya nang may nakita siyang isang nakakatuwang hugis ng isang teddy bear.
Isa itong cotton candy. Ngayon lang siya nakakita ng ganoon at gusto niyang malaman kung ano iyon.
Ang lalaking naglalako ay papalayo kaya naman agad siyang tumayo at hinabol ito.
"Manong!" sigaw niya.
Tumakbo si Freiya at ilang ulit niyang tinawag ang nagtitinda ng cotton candy. Hanggang sa tumigil ito at nilingon siya. Tumigil din siya sa tapat nito.
"Naku! Pasensya kana ih at malabo na ang aking pandinig." paumanhin ng matanda. "Ano ang sayo?"
Napangiti siya at tinuro ang isang hugis teddy bear na cotton candy. Tinitigan siya ng matanda at agad inabot ang tinuro niya.
"Pasensya kana at hinahapo ka tuloy." Paghingi ulit nito ng tawad. "Huwag mo ng bayaran at sayo na iyan." nagulat si Freiya.
"Talaga po?" masayang sambit niya.
"Oo at mag iingat ka paguwi, wala ka bang kasama?"
"Meron po, salamat po manong!" ngiting sabi niya.
"Magiingat ka dito iha." ani ng matanda at tumalikod na pauwi.
Agad itong tinikman ni Freiya at napangiti sa lasa non. Babalik na sana siya ng napatigil siya sa paligid, hindi naman ganon kalayo ang natakbo niya pero may dalawang iskinita siyang nakikita ngayon at hindi niya na matandaan kung saan ang dinaanan niya kanina.
Wala narin halos tao.
Bago mamroblema ay inubos niya ang cotton candy na hawak niya. Tuwang tuwa siya nang maramdamang napakabilis nitong malusaw sa labi. Mabilis niya itong naubos.
Maglalakad na sana siya pabalik nang may grupo ng lalaking lasing ang naglalakad pasalubong sa gitna ng daan. Sinubukan niyang gumilid pero napansin parin siya ng mga ito.
"Uy miss, gabi na ah. Hatid ka na namin?" nagtawanan ito.
"Tumigil ka nga dyan, Berto kakalabas mo lang ng kulungan." sambit ng isa.
Hindi maintindihan ni Freiya ang sinabi ng lalaki at sinubukang tumalikod at umiwas. Pero agad may pumunta sa harap niya.
Tinitigan siya ng isa.
"Aba, ngayon lang ako nakakita ng ganitong kagandang dilag sa baryo natin ah." napayuko si Freiya at napaiwas.
Napatalon sa gulat si Freiya at nanginig nang may biglang humawak ng braso niya.
"At makinis--"
"Berto tama na, kakalabas mo lang pre diba!" sigaw ng isa.
"Sige na miss umalis kana." alok pa ng isa.
"Bakit mo pinaalis?"
"Bobo ka talaga Noy, wala naman makakaalam kung di ka magsasalita."
Narinig niya ang mabibilis na yapak ng mga paa at halos manginig siya sa takot. Nangilid ang luha ni Freiya at tuloy tuloy lang ang lakad. Nang nilingon niya ang isang lalaki ay napakalapit na nito at tumatakbo. Sobra ang gulat at taranta niya at tatakbo narin sana siya nang mabilis nang may mabangga siyang lalaki.
"Ah--huwag!" naiiyak na sambit nito.
Hawak ng lalaki ang bewang niya bilang suporta sa muntik niyang pagkawala ng balanse. Agad siyang yumuko at nagsimulang humikbi.
Wala ng lakas magpumiglas si Freiya at hindi parin nag aangat ng tingin.
"Uuwi n-na po ako..please.." umiiyak nitong sabi at nanginginig.
"Yes Frei, you're fvcking going home with me." napaangat ng tingin si Freiya at nawala lahat ng takot niya.
Nanlambot ang tuhod niya at hindi makapaniwala sa nakikita.
Madilim ang paningin nito at igting ang panga. Galit na galit ang ekspresyon.
Si Vien.
--